Chapter Four

6 0 0
                                    

"Keer, salamat nga pala pare." si Brent.

"Ihanda mo na ang sarili mo dahil hindi lang ito ang huling pagkakataon na magkikita kayo ni Brittany. Sinabihan na kita tungkol sa pagdating nya diba?"

"Pero hindi ganun kadali ang kalimutan siya."


"Hindi ganun kadali ang kalimutan sya? Pare, talagang hindi mo makakalimutan ang tao kasi sya ang palagi mong iniisip. Nagtatrabaho ka nga pero ang isip mo naman nasa kanya."


Hindi na kumibo pa si Brent. May punto naman ang kaibigan nya at hindi nya masisisi ito o sina Luke at Ian. Masyado nang nahihirapan ang mga kaibigan niya sa mga pinag-gagawa nya magmula ng umuwi sila sa Pilipinas.

Pagkababa nila ay agad nilang tinungo ang kanikanilang sasakyan sa parking area at tumungo sa Joedel's Restaurant kung saan sila magkikita ng kanyang ninong.

Pagkarating nilang dalawa sa nasabing restaurant ay nakita nila ang ninong niya na may kasamang babae. Laking gulat naman niya ng makilala ang kung sino ang babaeng kasama nito.

"You?! What are you doing here?"

"Wag mo nga akong englishin. Ano ba ang ginagawa mo dito?" balik tanong nito sa kanya.

"So magkakilala na pala kayo? Tell me, how did you know each other." sabi ng ninong niya na mukhang nagulat din ng malamang magkakilala silang dalawa. Ngunit tila hindi nila narinig ang itinatanong nito kung kaya ay si Keer na ang nagsalita.

"Actually, tito Martin, they're going out together."

"It happened once and it will never happen again, Ninong Martin." inis niyang sabi.

"Oh wow! So you are the well known Mr. Perfect who turned out to be Mr. Lazyman." nakangiti nitong sabi at agad naman bumaling sa ninong niya, "Mr. Altamirana, thank you for your offer, it is really a big challenge for me."

"What do you mean?" sabay nilang tanong ni Keer.

"Erika Salvador here, will be the acting CEO of the company." sagot ng ninong niya.

"What?!" sabay- sabay silang tatlo na nagulat sa sinabi nito.

"Oh, bakit gulat na gulat ka din?!" Tanong niya kay Erika. "Ninong, why her? I can be the CEO of the company."

"Hoy lalaki na magaling mang husga, ang sabi sa akin ay acting COO lang, hindi CEO." galit na sagot nito. "Mr. Altamirana, hindi ko na po tatanggapin ang alok ninyo."

"Ninong umaayaw na po siya, hayaan nyo na ako sa pamamahala ng kompanya."

"No! Erika, I lied but to be a CEO is not far from being a COO, so please accept it. I will keep what I promised you."

"Ninong!"

"Stop acting like a childish brat Brent! Grow up. Now I will leave everything to the three of you." tumayo na ito at iniwan silang tatlo.

"Congratulations Rik." si Keer na masayang nakipagkamay dito.

"I still can't believe him. He is making my life open to public." wala sa sariling nasabi ni Erika.

"You know him, don't you? He likes to do things easy for him but hard for others." si Keer.

"Keer, let's go. Wala na tayong pag-uusapan. And you monster, I will make sure, it will not be easy for you working in my company!" si Brent na hindi parin matanggap ang nalaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tomorrow Never EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon