A/N: 'Yong mga highlighted words ay mga conversations; 'yong mga naka-italic naman ay flashbacks; and 'yong naka-underline ay mga conversation din but through sign language. ^^
Napabuntong-hininga na lang ako nang tuluyan ng makalabas ng shop ang huling customer para sa araw na 'yon. Nanghihina akong umupo sa upuan sa likod ng counter. Valentines Day na bukas kaya naman abala kaming lahat dito sa flower shop maghapon.
Napatingin ako sa buong shop. Ang laki na nito kumpara no'ng bagong tayo pa lang 'to. At dahil do'n, iba't-ibang variety ng bulaklak na ang mabibili dito na 'yong iba'y imported pa. Pero sa dami ng mas magaganda at mas mababangong bulaklak na makikita dito, isa lang binabalik-balikan ng mata ko.
Ang blue aster.
Kinakabahang napasulyap akong muli sa wall clock sa dingding ng flower shop namin. 4:55 na. Limang minuto na lang. Inayos ko ang damit ko na bahagyang nagusot dahil sa pagkakaupo at umayos ng upo.
Hindi ko alam kung ga'no na katagal o kung pa'no nagsimula pero nagising na lang ako isang araw at na-realize na nahulog na 'ko sa isang lalaking laging may dalang lapis. You may think it's asburd kasi never ko pa s'yag nakausap. O baka nga crush lang talaga 'to kasi wala naman talaga akong alam tungkol sa kanya maliban sa oras ng pagpunta n'ya dito sa shop. Pero alam ko sa sarili ko na gustong-gusto ko talaga s'ya.
Tumunog ang bell sa may pintuan, hudyat na may pumasok sa shop. Parang slow motion ang paglingon ko at pagtama ng mga mata namin sa isa't-isa. Alam kong s'ya 'yong pumasok pero parang biglang-bigla pa din ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko kahit na saglit lang na nagtama ang mga mata namin. He literally took my breath away.
I love all about him. Ang medyo magulo n'yang buhok, ang paglalaro ng kamay n'ya sa lapis na lagi n'yang dala, ang paglalakad n'ya, ang pananamit n'yang simple pero may dating; lahat ng 'yon, gusto ko. I really fell hard for a guy na hanggang sa mukha ko lang kilala.
Katulad ng dati, marahan s'yang naglakad sa loob ng maliit naming shop. Hindi ko ba alam d'yan sa lalaking 'yan. He always do that pero he always end up picking the same flower everyday. Yes, everyday. S'ya ang pinakasuki naming customer.
I'm quite intrigue as to why he prefer blue aster that the other flowers that we have na mas maganda at mas mabango pa. Simple lang naman kasi ang red aster at hindi eye-catching.
Pinanood ko lang s'ya mula sa kinauupuan ko. Bukod sa lapis, may nakasukbit sa balikat n'yang mahabang cylinder-shaped na bagay. 'Yon bang ginagamit ng mga painter na lagayan ng mga ginawa nila. Color black s'ya, katulad ng shirt n'yang suot ngayon.
Habang mabagal na naglalakad, marahan n'yang pinapadaanan ng daliri ang mga bulaklak na dinadaanan n'ya. Minsan pa'y tumitigil s'ya at inaamoy ng konti ang mga bulaklak. He just looked so manly.
But that short serenity was disrupted when his phone rang. Agad n'ya 'yong sinagot at ilang saglit ang nakalipas, mababakas ang pagkagulat sa kanyang mukha na marahil ay dahil sa sinabi ng kausap n'ya.
I was so freaking curious as to what they were talking about pero kahit na anong gawin ko naman, hindi ko pa rin sila mapapakinggan. It really sucks when this things happen. Isa 'to sa mga pagkakataon wherein I can't help but ask Lord, why me? Masama ba 'ko sa past life ko kaya ganito? Sana naputol na lang 'yong kamay ko o nalumpo ako kaysa ganitong hindi ko mapakinggan sila. S'ya.
BINABASA MO ANG
Compilation of Nothingness
Historia CortaEvery music has a story. And this is a compilation of different stories that I made up while watching music videos.