the unknown

149 6 6
                                    

sorry, di ko gusto to, naipit lang ako.. sorry” –tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang baril na nakatutok sa ulo niya.

Nabigla ako nang hawakan niya ang mga kamay ko. Di ko alam pero bakit di ko maigalaw ang mga kamay ko? Bakit di ko magawang alisin ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin?

“gawin mo ang tama..” – ngumiti siya pagkasabi nun. Napatanga na lang ako sa sinabi niyang iyon. Ano ba ang tama? Ano ba ang tama!

FLASHBACK **

“wag kang mali-late mamaya sa graduation ni Santina ha, baka magtampo yun honey..”-sigaw ni Jacob. Abala ako sa paliligo kaya di ko na rin siya sinagot. Natawa nalang ako dahil lagi nalang niyang pinapaalala. Di ko naman masisi dahil marami na akong utang na oras sa anak ko. Mahirap talaga ang napasok kong trabaho.

Mamayang hapon pa naman ang graduation ni Santina kaya tiyak na maaabutan ko pa iyon. Matapos maligo ay agad akong pumunta sa kusina kung saan naabutan kong nag-aalmusal na ang mag-ama ko. Di umiimik si Santina, mukhang nagtatampo nanaman, kaya minabuti kong lapitan at yakapin.

“graduation na ng baby ko, yehey! Grade 1 na siya sa pasukan niyan..” –ngunit wala pa rin siyang imik. Umupo ako sa lapag at iniharap ang mukha niya sakin.

“baby wag na magtampo ok? Pangako present ako mamaya at di ako mali-late.. promise!” –ngumiti na siya pagkasabi ko nun.

“promise yan mama ha, promise mo din na di mo na ako titiisin at ako lang lagi ang pipiliin mo ha?”-nakangiti nitong sambit. Tumango naman ako bilang tugon.

“o ayan baby ha, narinig mo sa mama.. darating siya mamaya..”-dagdag pa ni Jacob habang palapit samin. Niyakap naman niya kami at naramdaman kong napasaya namin ng husto si Santina..

**

“pero sir kailangan ko na pong umalis, graduation po ng anak ko.. kahit iabsent niyo nalang po ako, kailangan po talaga ako dun e..”-pagmamakaawa ko sa head namin.

hindi nga pwede! Ikaw lang ang inaasahan namin sa operasyong ito. At tandaan mo mildred, kilala ka ni bosyo, babalikan ka nun at ang pamilya mo kung hindi siya agad mahuhuli!”-sigaw ng head ko. Natakot ako sa sinabi niyang iyon, natatakot ako sa kaligtasan ng pamilya ko pero…kailangan talaga ako ng anak ko kaya mas pinili kong pumunta sa graduation niya kahit nasa krisis kami ng operasyon para sa paghuli sa leader ng isang sindikato.

Tumalilis agad ako papunta sa school ni Santina, ngunit tinamaan ng kamalasan dahil naipit ako sa traffic.

Kaysa abutin ng siyam-siyam ay iniliko ko sa kaliwang daan ang kotse ko, pinili ko nalang dumaan sa malayong kalsada basta makaabot lang sa graduation ng anak ko.

*kring.kring.kring* unregistered number..

“hello?”

“hello.. mildred.. miss me!”-nanlaki ang mata ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Agad kong binawi ang pagkagulat.

o ikaw pala bosyo, ako ata namiss mo at napatawag ka? Sulitin mo na yang bakasyon mo ha, babalik ka na rin kasi niyan sa bahay mo.. alam mo kung san yun? Secret… haha!”-pang-aasar ko sakaniya. Ngunit ako pala ang maasar sa susunod na mangyayari..

“mama..mama..mama!”-napahinto ako sa pagmamaneho.. tama ba ang narinig ko?

natahimik ka? Kilala mo ba kung sino yun? Hahaahaha!-malakas na tawa mula sa kabilang linya.

putang ina bosyo! Putang ina kaaaa!”-pinatay na niya ang cellphone matapos nun, pero ako..nakatulala pa rin. Maya-maya ay may text message..

the frustrated murderer's collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon