"isulat mo lang lahat ng sama ng loob mo sa notebook na yan at tiyak gagaan ang pakiramdam mo!"-natatandaan ko pang sabi ng kababata kong si Klitz.
natatawa lang ako kapag naalala ko yun, kahapon lang kami ulit nagkita matapos yung nangyari samin pero eto agad bungad niya. well, wala naman sigurog masama kung susundin ko yung sinabi niya.
binuksan ko ang bigay niyang notebook. weird ang itsura, weird din kasi may-ari. sa mga pages ay laging may dalawang column, sa una nakalagay ang tao/bagay na kinaiinisan, sa ikalawa naman gustong gawin/mangyari.
dala na rin ng frustration ko sa mga problema ko, isa-isa kong sinulat ang mga tao at bagay na sagabal sa buhay ko, yung mga nagpapasakit at nagpapalungkot sakin.
1. boss otep - ang kalbong kumag na yun, sana ay kaining buhay ng mga isda, yung unti-unti pero siguradong mamamatay siya. mas maganda kung nakikita ko siya.
2. ang malanding si che - sana maipit ng pison! at maging kasimpula siya ng malapad at makapal niyang labi!
3. ......
"Nina! bumaba ka saglit, may phone call para sa'yo!"-di ko naituloy ang pagsusulat ko dahil sa sigaw ni Nanay. dali-dali naman akong bumaba papuntang sala.
"oo, ikaw ang isasama ni boss otep dahil nasa site si Cherrie, ikaw daw muna ang pumalit dun, magbihis ka na at dalian mo kung ayaw mong masabon nanaman!"-si Kathy, ka-close ko sa office. dali-dali nga akong gumayak at dumiretso na sa company na pinagta-trabahuan ko. pagdating ko dun at nakita kong nakatayo sa labas si boss otep at halatang aburido.
"hindi ka talaga professional! lagi kang late! naku kung may choice lang ako e hindi ikaw ang isasama ko, napakawala mo talagang silbi!"-sigaw niya sabay pasok sa kotse. di na ako umimik at sumakay na rin ako. kung di ko lang naisip na baka sisantehin niya ako e sinuntok ko na tong panot na to.
sa kaiisip ko ng mga brutal na bagay tungkol sa boss ko ay di ko namalayang nakarating na pala kami sa destinasyon namin, ang bahay ng isa sa investor na taga-america.
manghang-mangha ako pagpasok sa loob, ang bahay niya ay parang may mini zoo sa loob, pero bahay pa rin talaga, napaka-elegante ng loob.
ini-enjoy ko lang ang mga hayop na nasa kulungan habang nag-uusap ang mga bosses. lumapit ako sa may aquarium, ang gaganda ng mga isda, iba't ibang laki at kulay pero lahat magaganda.
"yes you can feed those fish, but be careful because you will use that ladder"-sabay turo niya sa bakal na hagdan, medyo may kataasan kasi ang aquarium kaya naman kailangan pang gumamit ng hagdan.
"ako magpapakain"-papunta na sana ako sa hagdan ngunit bigla akong tinabig ni boss otep. umupo nalang ako sa gilid at pinanuod silang dalawa ng may-ari ng bahay.
"i'll be back, i'll get some feeds"-umalis ang kano pagkatapos, ang boss otep naman ay parang bata. pilit niyang hinihila ang hagdan papunta sa mga arwana pero hindi niya ito magawang maigalaw. kaya no choice siya kundi pakainin ang aquarium na katapat ng hagdan.
dahan-dahan siyang umakyat sa hagdan ngunit bigla siyang nadulas, napatayo ako sa gulat, ngunit buti at nakakapit sa gilid si boss otep.
nang nasa tuktok na siya ay umupo siya sa gilid ng aquarium na bagay na lubhang delikado. isinaboy niya ang maliliit na dilis sa mga isdang may pangil na parang mga aswang kung mag-agawan. tawa-tawa lang itong si boss otep habang tinitingnan ako, mukhang nang-iinggit pa ang loko.
"mahulog ka sana"-bulong ko. at maya-maya nga ay sumigaw na si boss otep. nahulog siya sa aquarium!
tumakbo ako palapit sa aquarium para tulungan siya, ngunit nanigas ako sa kinatatayuan ko ng maging kulay pula ang tubig sa aquarium.
napasigaw pa ako ng may kamay na biglang lumapit sa salamin ng aquarium sa harapan ko. biglang lumitaw ang mukha ng takot na takot na si boss otep.
lalo pa akong napasigaw ng kagatin ng mala-aswang na isda ang mukha ni boss otep. sigaw lang ako ng sigaw. nakakapangilabot panuorin habang pinapapak ng mga isda ang mukha niya. nakakapangilabot habang nakikitang binabalatan siya ng buhay.
nanginginig na ako dahil si boss otep ay nakatingin lang sa mga mata ko. tuluyan na akong nawalan ng malay ng biglang sugurin ng isa sa malaking isda ang mga mata ni boss otep.
BINABASA MO ANG
the frustrated murderer's collection
Mystery / Thrillercollection of short stories.. babala! wag basahin kung mahina ang puso.. naglalaman ng brutal na pangyayari..