CHAPTER 1: The Begining

25 2 0
                                    

KERBIE'S POV*

Simula nanaman ng walang kuwentang klase. Buset naman. Bakit ba kailangan pang pumasok sa eskuwelahan? Para magka-maayos na trabaho? Tsss. Eh may trabaho naman na ako eh.

Naglalakad ako sa hallway habang hinahanap ang wallet ko ng may bumangga sa akin.

"Hoy! Ano ba. Subukan mo kayang tumingin sa dinadaan mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Sorry ha! Ikaw na nga tong hindi tumitingin sa dinadaan ikaw pa may ganang magalit?! Aba't anong klase." Sigaw niya sa akin.

"HINDI MO KO KILALA NUH?! KAYA GANYAN KA UMASTA NOH!" Nang gagalaiti kong sagot sa kanya.

Pinapainit ang ulo ko ang aga aga. Buset.

"BAKET. DAPAT BA KITANG MAKILALA? HA?!" Sigaw niya pabalik sa akin.

Sasabat pa sana ako nang may sumaway sa aming teacher.

"MR. GRAGEDA!" sigaw ng librarian namin.

P*ta. Nasa tapat pala kami ng library.

"UMAGANG UMAGA. ANG INGAY MO!" Sigaw ni Mr. Buendia

"Sorry Sir si ... sya po kasi eh!" Sagot ko sabay turo dun sa kung sino man un.

"Aba't parang ngayon ko lang na rinig na nangsisi ka ng ibang tao ha." Sagot ni Sir Buendia

"Tss." Sabi ko nalang sabay lakad papuntang classroom. Baka ma-late pa ako nuh.

"Miss pag pasensyahan mo na un ah. Kilalang bad boy talaga si Kerbie" rinig kong sabi ni Mr. Buendia dun sa babaeng kasigawan ko kanina. Tsss. Wala naman kasi silang alam kung bakit ako nagkakaganito.

Siguro kung alam nila kung ano ang nakaraan ko, maari nila akong intindihin.

Pumasok ako ng classroom ng dahan dahan dahil alam ko namang nandyan na si Sir Lucio Acosta, ang adviser namin. Ang section ko? Second to the highest, ang Fluorine. Kahit naman gangster ako, di naman ako nagpapabaya sa pag aaral.

"Mr. Grageda since you're late, would you like to introduce first?" Sabi ni Mr. Acosta

"Tsss. Okay" sabi ko nalang.

Pumunta ako sa harap ng klase at nagpakilala.

"I'm Kerbie Ashton Grageda and I dont like everyone of you." Sabi ko ng walang emosyon.

"Why do you have to be so rude?" Tanong ni Mr. Acosta pero di ko nalang pinansin.

"Anyway, thank you Mr. Grageda" sabi nalang ni Mr. Acosta ng pairap. Ang arte.

"Next please." Dagdag pa ni Mr. Acosta. Pumunta ung babaeng nasa tabi ko.

Tinanggal nya ang salamin at ponytail nya kaya napansin kong siya pala ung nakasigawan ko kanina pero ba't ganun. Ang ganda pala niya.

"Hi I'm Kelly Arlaine Benedicto. Sana maging magkakaibigan tayo" sabi nya ng nakangiti. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Parang nakakakita ako ng mga gliters sa paligid nya.

Ito na ba ung sinasabi nilang love at first sight? Pero nakita ko naman na sya kanina eh. Edi love at second sight?

Author's Noteeeeee.

Wieeeeee tapos na ung first chapter nyaaaaa. Sorry kung maraming wrong grammar and etc. Keep supporting! Vomment guys! Mwahugs.

Ciao~

Gangster's SECRET GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon