Accident

4.5K 35 18
                                    

Naka-upo ako sa pinaka-hulihan ng bus, tahimik at mag-isa. Pinakinggan ko lang ang mga tawanan ng aking mga kaklase, ang kanilang kwentuhan at kulitan.

Field Trip namin nang araw na iyon at kaaalis lang namin galing sa school. Ang kasama ko sa likuran ay apat pang estudyante at ang aking matalik na kaibigan na si Imee.

Napatingin ako sa labas ng bus at nagulat nalang ako nang may makita akong imahe ng babaeng nakatingin sa akin. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil tago ito ng kanyanv mahabang buhok. Pero namumutla ang itsura niya at parang naka-ngiti pa siya sa akin; ngiti na nakakakilabot.

"Elena? Okay ka lang?c tanong sa akin ni Imee na may halong pag-aalala sa boses niya.

"Ah, wala. Okay lang ako" sagot ko sa kanya sabay tingin ulet sa bintana pero wala na ang babae. Nakaramdam ako ng takot na dumaloy sa aking katawan.

Ganun na lang din ang gulat ko nang makita ko ang babaeng iyon ulet. Naka-suot siya ng school uniform na katulad ng amin kaso puno naman iyon ng dugo. At napansin kong may malaking sugat ang ulo niya pati na rin ang isa niyang kamay at binti.

"Matatapos na rin ang aking paghihirap..." narinig kong sabi niya at dumeretso siya sa driver. Hindi siya pinansin ng ibang estudtante at tumuloy-tuloy lang sila sa ginagawa nila. Pati ang adviser namin na si Mr. Bachicha ay hindi siya pinansin, ibig sabihin ba noon ay ako lang ang nakakakita sa kanya? Bakit?

Pagdating niya sa harap ay nakita kong naglabas siya ng patalim, napatayo ako sa upuan ko nang biglang...

"AAAAAAAHHHHHHHH....!!"

Nagsigawan ang mga estudyante nang mawalan ng control ang bus.

Kaliwa... kanan... kaliwa... kanan...

Nagpatuloy sa pagbabago ng direksyon ang bus hanggang sa...

BOOM!!

School Bus (Short Horror Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon