Truth

1.5K 24 5
                                    

Lumipas na ang pangatlong araw at natapos na ang aking suspensyon. Pumasok ako sa classroom namin at ganoon pa rin ang ugaling nakita ko. Maingay at makulit. Ang sasaya ng mga hitsura nila na parang walang pinoproblema sa buhay.

Habang kami ni Imee ay nagpapakahirap para lang malaman kung ano ang gustong iparating ng multo at ng panaginip namin. Sa dalawang bese na pagkakita ko sa kanya ay lagi siyang nagsasabu tungkol sa katahimikan.

Ano kaya ang katahimikan na gusto niyang hingin? At kung humihingi siya ng katahimikan, sino ang hinihingan niya noon? Hindi naman pwedenf kami ni Imee dahil hindi naman namin siya kakilala. Hindi kaya isa sa mga kaklase namin?

Habang ine-explain ni Mr. Bachicha sa amin ang mga rules and regulations sa Field Trip ay hindi ako mapakali. Dahil half-day lang naman kami ngayon, plano namin ni Imee na balikan si Amanda at baka pwede namin siyang maka-usap tungkol sa katahimikan na gusto niyang makamit.

Natapos na ang Orientation at dumeretso na ng uwi ang ibang estudyante habang may iba naman na nahiligan pang tumambay sa school. Kami naman ni Imee ay nagtungo ulit sa abandonadong classroom upang maka-usap si Amanda.

Pagdating namin ay nakaramdam kami ni Imee ng takot sa kung anuman ang maaaring mangyare. Nilakasan nalang namin ang loob namin at pumasok na kami ng classroom.

"Amanda Villamor! Kung nasaan ka man, magpakita ka!" sigaw ko pero walang sumasagot o nagpapakita "Wag kang matatakot Hindi ka namin sasaktan! May gusto lang kaming tanungin sayo!" dagdag ko ngunit wala pa rin.

Naghintay kami ni Imee, nakatayo lang kami malapit sa nakabukas na pinto. Ilang minuto na ang nakakalipas pero walang babaeng nagpakita o nagparamdam sa amin.

"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan?" napasigaw kami ni Imee nang marinig namin ang boses ng janitor namin "Hindi dapat kayo pumapasok diyan! Umuwi na kayo, diba may Field Trip pa kayo bukas?" tumango kami ni Imee sabay lakad paalis.

"Hayy, kaawa-awa talaga ang batang iyon" biglang sabi ng janitor sabay sara ng pinto. Napatigil kami ni Imee at tumingin kami sa janitor "Kuya, alam mo ba ang nangyare sa kanya?" tanong ni Imee.

"Oo naman. Sa tagal ko nang nagtatrabaho dito, bakit ko naman hindi malalaman" pagpipilosopo pa niya sabay tawa nang mahina.

"2 taon na ang nakakalipas nang mag-enroll dito si Amanda Villamor. Isa siyang napaka-ganda at napaka-bait na bata. Matalino rin siya at mapagmahal. Pero makalipas ng ilang buwan ay bigla siyang nagpakamatay." paliwanag niya.

"Maaari niyo po bang masabi sa amin kung ano ang naging dahilan ng pagpapakamatay niya?" tanong ni Imee.

School Bus (Short Horror Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon