Yanna's POV
"Bakit nandito yan?" Pabulong na tanong ko kay Rein habang nandito kami sa bahay nila Mac, sa kusina. Tinext nila kong movie marathon daw dito kila Mac kaya pumayag ako dahil na rin nabobored ako sa bahay pero hindi ko inaasahan na makikita ko yung Cass dito. Tsk.
Sa tanong kong yun ay siniko ako ni Rein habang nagtitimpla sya ng juice. "Stop it, Yanna. Cass is nice." Sagot nito sakin. Napairap na lang ako at hinila yung upuan para maupo.
"She's not. Adi sana kung mabait yan hindi ako gan---"
"Nagseselos ka lang." putol ni Rein sakin na kinahampas ko sa lamesa. Tiningnan ko sya nang hindi makapaniwala.
"Selos? Ano ko nahihibang? Bakit ba ang ayos ng pakikitungo nyo dyan sa babaeng yan? Palibhasa kasi di nyo alam yung ugali." inis na sagot kokay Rein. Napailing na lang sya sa sinabi ko. Umupo sya sa tapat ko at tiningnan ako ng maigi.
"Sabihin mo yan sa sarili mo, Yanna. Try to be nice to her. You'll like her, I swear." sabi ni Rein sakin pero inirapan ko lang. Right. Sa inyo mabait pero kung tutuusin hindi naman talaga yun yung ugali nya. Tsk.
"Alam mo, mag-usap na kayo ni Jace. Nagkakaganyan ka lang dahil sa kanya e." sabi ni Rein pero hindi ko na sya pinansin at padabog na umalis sa kusina. Ngayon naman si Jace ang dahilan kung bakit ako nagkakaganto? Tss. Ayaw naman nia saking maniwala na di totoo yung Cass na yun. Nakakainis. Kinakampihan pa yung babaeng yun. Badtrip.
Pagdating ko sa sala mga namimili pa lang sila ng cd pero yung dalawang bwisit e may sariling mundo. Napairap na lang ako sa kanila at lumabas ng bahay nila Mac. Narinig ko pang tinawag ako ni Mac pero hindi ko na sya nilingon. Tsk.
Tinawagan ko na lang si Russel para hindi ko maisip yung pagkainis ko sa mga yun.
"Napatawag ka?" bungad ni Russel pagkasagot ng tawag ko sa kanya. Nakarinig ako ng ilang ingay at mga tawanan. Tawa pa lang ni Jack nangingibabaw na.
"Nasan ka?" tanong ko sa kanya at umupo sa batong upuan. "Ross' house with the group. Why?"
"Pwede 'ko dyan?"
"Oo naman pero diba nandyan ka kila Mac. What's with the sudde--"
"Mamamatay ako sa inis dito, Russel. San ba yung kila Ross? I'm going there."
"No. I'll fetch you na lang. Malayo rin kasi to at baka ano pa ang mangyari sayo. Wait me there for an hour."
"Totoo? Isang oras?"
"Yea sorry. Intayin pa namin yung papa ni Ross e, urgent pero malapit na yun so ano?"
"Fine fine basta bilisan mo hanggang kaya mo. Ge bye thanks." binabaan ko na sya ng tawag at bumuntong hininga sa inis.
"Yanna! Tara sa taas, don daw nood. Tara na." aya sakin ni Zyrel pagkasilip nya sa pinto. Tumango na lang ako sa kanya at sinabi kong susunod na lang ako. Nagvibrate yung phone ko at nakita kong nagtext si Russel.
From: Russel
Kasama pala namin si Darex. Ayos lang sayo?
Uhh. Ayos lang naman sakin dahil simula kasi nun e nakatahimik lang sya so wala naman siguro syang gagawing kalokohan ulit diba? Kasama ko rin naman si Russel so di naman mapapahamak.
To: Russel
Yeap. Ayos lang. Nandyan ka nman e.
Tinago ko na yung phone ko at pumasok sa loob ng bahay. Linis ng sala, nasa taas nga sila. Umakyat na ko sa taas at pumasok sa kwarto ni Mac. Kanya-kanya na silang pwesto dun, hinanap ko sila Vane at nakapwesto sila sa lapag at nakasandal lang sa kama ni Mac. Si Eric at Keith ay nakaupo malapit sa bintana, yung dalawang bwisit naman at si Mac ay nasa kama. Tsk.
BINABASA MO ANG
His Property
Romantik"I, Nathan Jace.." "....declared that you'll be Alyanna Layne Castro-Montez after five years."