YANNA'S POV
December 29 na and it's almost a week na nasa Laguna. January 1 lang din ay uuwi na kami, dapat till 3 kaso hindi naman makakarating sila Mama ng December 30 as what she had promised. And yes, we celebrated Christmas sa mga tita ko without them. whatever. Kasama rin namin si Ken dito sa Laguna. Kaya pala naaga kaming pumunta dito dahil after our EK, the day after tomorrow ay pumunta kaming Ilocos with my cousin. 4 days kami dun then balik ulit dito.
After Christmas, libot lang ulit dito sa Laguna kasama yung mga pinsan ko then diretso kami dito sa Quezon. Kahapon lang kami nastay sa bahay hanggang ngayon. Habang naglalaro kami ng xbox dito sa sala sa taas ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko rin alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.
Dahil na rin nagtatalo si Kuya at Ken ay iniwan ko na sila sa sala at pumasok sa kwarto ko. Chineck ko yung phone ko at umupo sa kama, dun ko lang napansin na tumatawag si Jace kanina pa. Ano namang problema nito? Tinawagan ko si Jace at agad nya namang sinagot yun,
"Kanina pa kita tinatawagan." Bungad nya sakin pero hindi naman sya nakasigaw o ano. I mean, hindi na talaga sya ganun. Mabait? Oo. Naiiba lang yung mood nya kapag nagtatampo or about kay Darex na.
"Bakit ba? May problema?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Wala. Namiss lang kita--"
"Kakakausap lang natin kagabi ah?" Natatawa kong putol sa kanya. Nahihibang na naman yata tong lalaking to. Tsk tsk.
"Psh. E sa namimiss na kita e. Bawal ba?" And here we go again. Hindi ko na iisa-isahin ang pinag-usapan namin dahil walang kwenta lang naman at di yata nakainom ng gamot si Jace. Tsk. After a 20minutes call na pinutol ko na ay naligo na ko at nagbihis. Wala naman sigurong masama kung lilibot ako sa village diba?
Nagsuot lang ako ng slippers, white shorts and black top. Alangang magpantalon pa ko e dito lang naman ako sa village. Paglabas ko ng bahay ay tanging wallet lang ang dala ko, iniwan ko na yung phone ko dahil nagccharge.
"Kuya labas lang ako ha?" Paalam ko sa kanya habang naglalaro pa rin sila. Tiningnan lang ako saglit ni kuya at ni ken,
"Mag-ingat ka lang at wag magpagabi ha." Tumango lang ako at umalis na. Naglalakad lang ako kung saan saan dito sa village, ganun pa rin tahimik at may iilan na nagbabike at naglalaro sa labas.
Napailing na lang agad ako nang pumasok sa isip ko si Tonton. Uh tsk. Hindi ko namalayan na nakarating ako sa park. May ilan ilang mga batang naglalaro sa park, mga nakaupo lang sa bench, nagsskateboard. Ayan na naman yung skateboard nay an. Tss. Napailing na lang ako ng maalala ko yung nangyari nung nakaraan dito. Sana pala nagstay na lang kami sa Laguna. Tsk.
Naglakad lakad lang ako sa park hanggang mapunta ko sa mga puno kung saan may duyan yun, yung sa gulong. Lumapit ako dun at hinawakan yung lubid, dati pilit namin tong inaabot kasi mataas pero ngayon abot na abot ko na. Siguro medyo hindi pa malinaw sa inyo lahat kung anong meron sa pagkabata ko.
Nung bata ako lumipat kami dito sa Quezon for my mom's business matter, hindi permanent stay or temporary stay, vacation lang. Taga-Quezon talaga si Mama nun while si Papa nung oras na yun ay nasa ibang bansa. I was 8 years old back then nung lumabas ako ng bahay to play dahil nagkaaway kami ng kuya ko nun. Naglalakad ako nun habang may doll na hawak then there I met a little boy na nakaupo sa labas ng bahay nila habang naglalaro ng bola. Nagtitigan lang kami nung little boy that time hanggang di ko na alam at naging magkalaro kami nun. 8years old pa lang ako pero I felt unwanted, why? Ang papa ko laging busy, ang mama ko ganun din, ang kuya ko? We always fought at lagi na lang ako ang pinapagalitan every time na ganun nga. That little boy's name is Tonton, wala yatang araw na hindi kami ang magkalaro. Idedescribe ko ang itsura nya, maputi sya at nakasalamin, mahaba rin ang buhok nya pero malinis tingnan.
BINABASA MO ANG
His Property
Romansa"I, Nathan Jace.." "....declared that you'll be Alyanna Layne Castro-Montez after five years."