"Kleign!"
Napalingon ako sa tumawag sa’kin. "Yo! Bakit?" sagot ko sa kanya.
"May practice ba tayo mamaya?"napa-isip naman ako sa tanong niya. Meron nga ba?
"Kapag sinipag siguro ako? Haha~ bakit?"
"Wala naman. May pupuntahan kasi ako mamaya eh. Pwede wala na lang practice?" tanong niya.
"Aw. Dapat 'd ka na lang nagtanong sa’kin! Gusto ko na tuloy mag-practice~" pangi-inis ko sa kanya.
"Wah!” hampas niya sa braso ko, “Kleign naman kasi eh!" hampas niya ulit sa'kin.
"Aaaw. Sige na!” pagkunot ko ng noo sa kanya, “Sandali lang tayo, please? Sinipag na ‘ko eh."Tapos sumimangot pa siya sa'kin. Ang kyut!"Huh?" pagpupumilit ko sa kanya.
"Great.” Mataray niyang sabi, “Oo na!"
Parang ako pa tuloy ang lumabas na masama dito, ‘no? Haha~ sandali kasi! Hindi ako ganyan kasama! Nakita ko lang kasi sa itsura niya na gustung-gusto niya talaga na umalis kaya heto ako, gusto ko na lalo mag-practice. Hehe~ may naisip kasi akong dance step dahil sa ginawa niya.
"Osya. Kita-kits na lang mamaya, ‘kay?" huli ko’ng tanong at umalis na siya sa harapan ko na nakasimangot.
Ayan si Pia~ maganda, mabait, matalino, ganda ng katawan, at kagrupo ko sa K-crew. Sarap gawing girl friend ‘nyan kaso may naka-una na sa'kin- si Lirio. Kaklase ko ang mokong na 'yun, mabait na kaybigan, masamang kaaway- gangster kase. Astig ang tao na 'yun! Kaya nga wala ng makalapit na iba kay Pia eh- naaawa na sa future nila. Limitado na lang ang kaybigang lalake ‘nyan ni Pia- more or less member ng crew ko at yung iba naman kaklase niya. At hindi ko pa nababanggit, may girl friend na 'rin ako kaya hindi ko na kaylangan magpantasya pa kay Pia.
"Kleign!" narinig ko nanaman na may tumatawag sa'kin. Paglingon ko naman...
"Potek! Don't tell me may pupuntahan ka 'rin?" panguna ko na kay Drew- member din ng crew ko.
"Tangek hindi! Excited kasi masyado?"
Tinan mo 'to? Batukan ko kaya? Isa lang talaga. -_____-
"Eh ano?" tila iyamot 'kong tanong."Hinahanap ka ni Ma'am." Sagot niya naman.
-________________-
Binatukan ko na nga talaga siya at todo kamot niya sa ulo.
"Andaeng Ma'am! Hayuup!"
"Si Ma'am Jimenez hinahanap ka! May kaylangan daw siya sa'yo." – Drew
"Haha~ ganun ba?” binawian ko siya ng ngiti, “Oy biro lang sa pambabatok ha? Baka naman isumpa mo na 'ko ‘nyan?" pagbibiro ko sa kanya’t siniku-siko ko pa siya sa tagiliran. “Haha~ thanks, Dre!” pag-thank you ko’t umalis na.
Ano na naman kayang kaylangan ni tita sa'kin? Hmm- ah, yes, tita ko ang isang teacher dito—si Ms. Jimenez.
"Kleign~! Bunso~!"Walang pagkundangang ppagkaka-hug at halik sa pisngi ko ni tita na akala mo naman’y wala kami sa office ng school.
-_____________-
"Tita? Baka naman nakakalimutan mo na—" hindi niya na ‘ko pinatapos at pinutol niya na ang sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
The Book of Sin [ᴏɴ ɢᴏɪɴɢ ♕ ɢ]
Teen FictionSin. Sin. Sin. Curse. Curse. Curse. Kill. Kill. Kill.