= p a i r i n g

34 1 0
                                    

**Kleign’s POV

“Mom! Kailan pa naging legal age ang 16?!” nilapag ko ang dalawang plastic ng groceries na pinamili ko at hysterical kong tanong kay Mommy pagkarating na pagkadating namin ni Kelvs ng bahay.

“Chill, Kleign! What happened? Easy ka lang.” pagtaas ng kamay ni Mommy at submissive na tanong ‘din sa’kin. “It's like ever since ipanganak kayo? After all that’s the rule of the world.” dagdag niya pa.

“Ayaw niya maniwala sa'kin.” sabat naman ni Kelvs habang sinasabit ang susi ng kotse niya sa pader at pailing-iling na akala mo’y ako pa yung weird dito.

“That’s impossible! Kahapon lang pinagsabihan pa kami ng teacher namin sa Science na walang magta-try samin na uminom ng alak dahil wala pa kami sa legal age tapos ngayon malalaman ko na 16 na pala ang legal age?” pinaghahampas ko pa yung table kung saan naghihiwa si Mommy ng mga sahog niya sa lulutuing ulam.

“Easy, Kleign. Ano ba pinaghihimutok ng butsi mo?" napatigil ako sa tanong ni Mommy. “Just calm down a bit.”

Ano nga ba?

“Hindi ko lang naman ma-take ang pagiging weird ng mundo at pati legal age, naiba na! Ano na ba tayong mga Pilipino, nahawaan na ng rules ng ibang bansa?”

“Chill ka lang kase, Kleign!” sabi ni Kelvs. Kaylan pa naging ganito pakikitungo neto sa'kin? “Hindi naman weird eh. Ayaw mo ‘nun? Magagawa mo na mga gusto mong gawin ‘nung hindi ka pa legal age?” hawak niya sa balikat ko at bulong sa'kin.

Hindi na lang ulit ako nagsalita. Kinuha ko na lang ang bag ko sa sofa at umakyat na ng kwarto. No assignments naman kami kaya safe mode ako sa stress ngayon—except sa stress na ‘to ang pagiging weird ng mundo, ha? Malalaman ko na lang siguro bukas kung ganito pa 'rin ka-weird ang mundo o hinde. For now, I think I should act prompt at makisakay na lang muna sa takbo ng mundo. May dinner pa kami mamaya.

"Kleign? Tama na pagsasayaw ‘dyan. Halika na't tulungan mo 'ko mag-ayos ng table." sabi ni Mommy at pigil sa pagsasayaw ko sa Wii ng Just Dance.

“Fine. I'll just finish this round.” sagot ko na lang. “Naisip ko lang, Mommy, ‘no? Bakit hindi mo ‘rin kaya patulungin si Kelvs?” maanghang ‘kong tanong habang sumasayaw pa 'rin.

“Tinulungan na 'ko kanina 'nun!” hindi ko in-expect ang sinabi ni Mommy.

“Ano tinulong sa’yo?” mapanglibak ko’ng tanong.

“Kanina pa ‘yon ‘nung matapos mo mag-walk out kanina. Nagbanyo kasi ako kaya nag-try ako na utusan siya maghiwa ng mga ingredients. And to my surprise, paglabas ko ng banyo eh natapos niya na ang pinapagawa ko sa kanya. Nakakatulong ‘rin naman pala ang TLE ‘nyo sa school eh.” Sagot naman ni Mommy. Napatigil tuloy ako sa pagsasayaw at hinayaan na lang nakatiwangwang yung last round ko. Tumakbo ako mapunta ng table at hindi makapaniwalang tinanong si Mommy.

“Really, Mom? Ginawa niya ‘yon? Wow! I was surprise too.”

*asdfghjkl*

“Gaahd. Natalo tuloy ako. Tulungan na nga kita ‘dyan, Mommy.” Sabi ko at nagpunta na sa cabinet para kumuha ng mga pinggan, kutsara at iba pang kubyertos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Book of Sin [ᴏɴ ɢᴏɪɴɢ ♕ ɢ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon