Best,

44 1 0
                                    

Dear Best,

Best, sorry kung ngayon ko lang 'to sasabihin. Sorry for not having enough courage to tell you these things personally. Best, sorry. Sorry kasi masakit. I still remember the day I met you. We were too young back then. Young, and innocent. Best, how did you become my bestfriend? How, best? Because you treat me during lunch? Was it because we were too close? No, best. We were best friends because we were us. Masaya tayo noon, best. But please tell me, what really happened? Best, masakit talaga. Tell me, how can I move on? Bakit kinailangan pang masaktan ako? Best, how? Tell me, please, best. Kasi masakit na, e. Sobrang sakit na. I'm like a bomb that is about to explode. Best, baka hindi ko kayanin lahat ng 'to-no, scratch that. Best, hindi ko na kaya lahat ng 'to. Can you please help me? Because I really can't do this alone. Why would you help me anyways? I'm just a friend. A FREAKING FRIEND. Best, tell me. Are you happy right now? If you are, then sorry. Sorry for ruining the moment. I don't even know if you still care for me. Best, sorry talaga. Sorry sa lahat. Sorry sa pagpapakatanga.
Best, anong nangyari? Can you still remember our elementary and high school days? We were too close back then. Halos hindi tayo mapaghiwalay pero anong nangyari? Naalala mo bang nangako tayo sa isa't isa na Architecture ang kukunin nating course sa college? Pareho tayo ng school na papasukan at sabay tayong mag-eenroll. Pero anong nangyari, best? You broke your promise. You took Engineering. Best, hindi naman big deal sa 'kin 'yon since naisip ko na, siguro, nag-iba ka na ng gusto. Sinuwerte ako dahil classmates pa rin tayo sa ibang subjects. Pero, best, ang hirap. Ang hirap isipin at magising sa realidad na may mga pagkakataong wala ka na sa tabi ko. Sa kakapiranggot na oras nating magkasama sa ibang subjects, halos hindi mo na 'ko pansinin. Puro ka na lang sa mga tropa mo nakasama. I tried asking you to come with me during lunch but what? You always reject me. Best, masakit. Nakikita kita lagi, best. You may not see me pero lagi akong nakatanaw sa 'yo. Best, akala ko ba, ako lang ang mag-iisang babae ang mapapalapit sa 'yo bukod sa mga kamag-anak mo? Best, 'di ba, sinabi mo noon na ako lang? Hindi naman ako umasa na mamahalin mo ako pero ang tanga ko kasi hindi ko rin naisip na baka may mahalin kang babae at sirain mo 'yung pangako mo. Best, ang hirap hirap. How come, best? Can you please explain to me what the hell is happening? Best, bakit ka nagbago bigla? Best, bakit nag-iba ang pakikitungo mo sa 'kin? Did I do somethig wrong, best?
Best, mahal kita. Mahal kita noon pa pero ngayon ko lang narealized. Best, ang hirap talaga hahahaha. Best, masaya ka ba sa kan'ya? Gano'n mo ba siya kamahal at nagawa mo 'kong kamuhian nang hindi man lang inaalam ang tunay na nangyari? Best, bakit ka naniwala sa mga sinasabi niya? Dahil ba girlfriend mo siya at ako, best friend mo lang? Best, alam ko naman ang posisyon ko. Alam ko kung hanggang saan ang limitations ko. Best, natakot ba siya na baka agawin kita sa kan'ya? Best, sana kinausap mo muna ako. Kasi, best, masakit sa ego at puso ko na ginagano'n mo na lang ako. Best, sana pinakinggan mo muna ako. Ngayon, best, ano na kayang naiisip mo? Hahaha. Sa tingin mo ba, makakaya kong sabunutan, sampalin at siraan 'yung mahal mo? Best, hindi. I would never do that. Best, kilala mo 'ko. Best, hindi ko siya sinaktan. Sana pinakinggan mo muna 'yung side ko kasi alam mo ba 'yung feeling na sarili kong best friend, hindi ako pinagkatiwalaan? Masakit, best. Try mo pa. Bakit ka ba naman gan'yan, best? Sasabihin ko sa 'yo, siya talaga ang nanakit sa 'kin. Emotionally and physically pa nga, best, e. Best, sinabunutan niya ako sa CR noon. Sinampal pa nga, e. Siya pa nga 'yung nagsasabi sa mga kaibigan niya na malandi ako, e. Best, what did I ever do? Sinabihan niya ako na, best friend lang ako kaya wala akong karapatang manghimasok sa inyo. Layuan na raw kita kasi wala siyang tiwala sa 'kin. Best, masakit. Hindi kasi kita kayang layuan. Naiinggit nga ako sa 'yo, e. Kasi ikaw, nakaya mong layuan ako. Natiis mo 'ko. Pero ako, ni hindi man lang ako masanay na wala ka sa tabi ko. Bakit gano'n, best? Ang hirap-hirap talaga. Best, kung ayaw mo talaga, kung naggigive up ka na sa friendship natin, okay lang. This will be my last message for you.
I'm leaving for good. Hahayaan na kita sa buhay mo. I already deactivated all my SNS accounts. And if ever kailanganin kong gumawa ng bago, don't worry. Hindi na kita isasama sa friendlist ko and such. Alam ko namang ayaw mo na sa 'kin, best. Masakit kasi hindi ko man lang maisip kung bakit ka lumalayo sa 'kin. Ang dami ng tanong ko. Hahaha. Don't worry, you don't have to answer all my stupid questions. Sana lang, masaya ka ngayon. Masaya ka sa kan'ya. Sana rin, kapag may siniraan na naman siyang iba, h'wag ka nang maniwala agad basta-basta. Kasi best, masakit 'yung jinajudge agad kahit nananahimik ka lang. Masaya ka naman sa kan'ya, 'di ba? Kakayanin mo namang mabuhay nang wala ako. Matagal mo nang ginagawa, e. Best, good luck sa buhay mo. Best wishes sa kasal niyo. Masakit pero sana maging masaya na kayong dalawa sa buhay niyo lalo na't wala nang eepal na best friend sa relationship niyo. Best, stay what you are. Kasi 'yan 'yung minahal ko sa 'yo, e. 'Yung pagiging caring, understanding, concerned, chivalrous at kalog mo. Best, akala ko hindi ko magagawang lumayo sa 'yo pero nagawa ko. Habang binabasa mo 'to, siguro nasa alapaap na 'ko. Good bye, best friend.

1000 WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon