taken for granted

29 0 0
                                    

How can you call this true friendship if you just take me for granted? Madalas niyo akong asarin kasi hindi ako napipikon. Hindi naman talaga, e. Hahaha. Nasasaktan ako. Hindi niyo kasi alam 'yung depression na inabot ko noon kaya gan'yan kayo makapagsalita. Akala niyo ba hindi kayo nakakasakit? Hindi naman talaga. Sobrang nakakasakit lang. Ipupush niyo pa ba talaga 'yang pagka-insensitive niyo? Hihintayin niyo pa bang lumayo ako nang tuluyan sa inyo para kang marealize niyo na mali na 'yung ginagawa niyo? How many times did I try telling you to stop? Na nakakasakit na kayo? I'm pretty sure I told you that for plenty times. But, you didn't try listening to me, right? Ang saya lang. Ito lang tanong ko sa inyo, a. Masaya ba kayo? Are you happy na nakakasakit kayo ng iba? Na nasasaktan niyo 'ko? O nandiyan lang takaga kayo para magpalibre? Para manghiram ng gamit ko? Tinuring niyo nga ba talaga akong kaibigan? Kasi sa totoo lang, hindi ko na alam. Gusto ko nang lumayo sa inyo pero hindi ko kaya. Hindi ko gusto. Gusto ko kayong makasama pero hindi ko na alam. Nakakasakit na rin kasi kayo. Aaminin ko, minsan, sinasadya kong idistansya 'yung sarili ko sa inyo. Nagkukunyari akong busy o kaya nagbabasa pero sa totoo lang? Lumalayo talaga ako sa inyo. I don't have the courage to tell you these things personally kaya idadaan ko na lang dito, ah? Frankly saying, nakakasakit kayo. Hindi lang minsan pero lagi. Everytime inaasar niyo 'ko, kunyari na lang natutuwa ako pero sa loob-loob ko, nagbebreak down na 'ko. Hindi niyo kasi alam 'yung pakiramdam na mabully. Hindi niyo alam 'yung pakiramdam na walang may gustong pakisamahan ka. Kahit kailan, hindi niyo naramdamang mag-isa kayo. KASI LAGI AKONG NASA TABI NIYO. Eh, no'ng ako ba 'yung nasasaktan--nung ako 'yung umiiyak, naisip niyo ba 'kong icomfort man lang? Hindi, 'di ba? Instead of cimforting me, what did you do? PINAGTULAKAN NIYO PANG MAY IBA SIYANG GUSTO AT HINDI AKO 'YON. NAGAWA NIYO PANG LOKOHIN AKO. PAGTRIPAN AKO. GAANO NAMAN KASAKIT YON, DI BA? PERO NUNG KAYO YUNG NASASAKTAN, ANONG GINAWA KO? 'DI BA, AKO 'YUNG NAG-AADVICE SA INYO? 'YUNG NAGSASABI NA MAKAKALIMUTAN MO RIN SIYA. 'Yun lang naman 'yung hinihiling ko, e. Iparamdam niyo lang sa 'kin na kaibigan ko kayo. Iparamdam niyo sa 'kin na finally, I know and I found where I belong. I found my true friends. 'Yun ay kung totoong kaibigan ko kayo. Hindi ko naman hinihiling na bola-bolahin niyo 'ko, e. Ang sa akin lang, sana naman kahit minsan, maisip niyong kailangan ko rin kayo. Kasi baka dumating sa point na sumuko na talaga ako sa inyo. Please, 'yun lang 'yung hinihiling ko sa inyo. Konting suporta lang. Alam kong panget ako, hindi ako maganda. Alam ko naman 'yon, e. Hindi niyo kailangang ipamukha sa 'kin araw-araw. Oo, nagsorry kayo nung narealize niyong nasasaktan din ako sa mga sinasabi niyo pero after no'n, anong ginawa niyo? 'Di ba tinuloy niyo pa rin 'yung panloloko sa 'kin? Mahirap ba talaga iparamdam na kasama niyo rin ako? Kapag kayo ang inasar ko, ang bibilis niyo mapikon pero kapag ako ang inaasar niyo, nagrereklamo ba 'ko? Sana naman maintindihan niyo rin 'yung side ko. Sorry, ah. Sorry kung pikon ako kapag sumosobra na kayo. 'Nga pala, para lang malaman niyo, I WAS BULLIED BEFORE. I was suffering from depression. Hindi lang kayo, ako rin. Hindi lang ako ang may karapatang umiyak na parang galit ang buong mundo sa inyo, in fact, mas may karapatan pa nga ako, e. Kasi kayo, kapag umiiyak kayo, nandito ako. Pero kayo? Ni minsan ba, nung nakita niyong tumulo 'yung luha ko, naisip niyo bang sabihin sa 'kin na magiging okay rin ang lahat? Na marerealize niya rin kung sinong pinakawalan niya? Na makakamove on din ako? Hindi, 'di ba? Instead, anong ginawa niyo? Pinamukha niyo pa sa 'kin na weak ako. Na vulnerable ako. Ang sakit. Sobra. Sorry na, ha? Sorry kung wala kayo sa tabi ko kapag umiiyak ako. Sorry kung never niyo 'ko cinomfort. Sorry kung kahit wala na 'kong pera, kahit nagtitipid ako, pipilitin kong makahanap ng pera para lang malibre kayo. SORRY, HA. Hindi kasi sa lahat ng oras, invincible ako, e. Ito lang talaga 'yung hinihiling ko, e. 'Yung ipamukha niyo sa 'kin na kaibigan ko kayo. Na may masasandakan ako kapag may problema ako. Hindi 'yung ipamumukha pa sa 'kin 'yung problema ko. HINDI LANG KASI KAYO 'YUNG MAY PROBLEMA, E. AKO RIN. MAS MABIGAT PA SA MGA PROBLEMA KO. Kahit naman isang beses lang, icomfort niyo 'ko. You know why I never cried hard in front of you? Kasi alam kong pagtatawan niyo 'ko. Kasi alam kong pagtitripan niyo 'ko lalo. Kasi alam kong matutuwa pa kayo 'pag nangyari 'yon. Well, sorry for being a killed-joy but no. I won't let you hurt other people just to be happy. At for your information nga pala, pinalalayo ako ng magulang ko sa inyo. Bad influence daw kayo. Pero anong ginawa ko? Nilapitan ko pa kayo. Pinagtanggol ko pa kayo. Gustong-gusto ko sabihin 'to lahat sa inyo pero alam kong hindi niyo 'to seseryosohin. Pero siguro naman, kung idadaan ko rito, maiintindihan niyo na, 'di ba? Malalaman niyo naman na siguro 'yung side ko. At tsaka, hindi lang kayo ang may karaoatang magung sensitive, ha? Ako rin. May karapatan din ako umiyak. May karapatan din akong masaktan. May karapatan din akong gumawa ng sarili kong drama. Intindihin niyo 'yon, ah? Para mabawas-bawasan na 'yung sakit na naidudulot niyo. This is my last choice for you guys to understand my side. Kung ito, hindi pa rin umepekto, well I have no choice but to stay away from you. Kung mangyari man 'yon, sana h'wag niyo na gawin sa kan'ya 'tong mga ginagawa niyo sa 'kin, ah? H'wag niyo na iparamdam sa kan'ya na mag-isa kang siya. H'wag niyo siya hayaang umiyak mag-isa.

1000 WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon