Ang mga lalaki ay hindi naman kumplikado mag-isip kaya hindi naman mahirap malaman kung gusto ka ng isang lalaki. Ngunit may isang bagay na maaaring maging kaibahan ng bawat kalalakihan — ang “takot na matanggihan”. Hindi lahat ng lalaki ay may lakas ng loob at hindi lahat ng lalaki ayos lang ma-”busted”, gayunpaman, lalaki pa rin sila at ginawa sila upang umibig ng babae, at hinding-hindi nila maitatago iyon.
Ang malamang sadyang ginawa ang mga lalaki upang maging agresibo ay malaking tulong na upang malaman na gusto rin ng lalaki ang mga relasyon. (Maliban na lang sa mga lalaking talagang may pinagkaka-abalahan tulad ng solid na barkada atbp., ngunit gayunpaman, hindi sila natutulog sa gabi na hindi naiisip na magkaroon ng nobya).Mga Paraan Upang Malaman Kung Gusto Ka ng Isang Lalaki
“Man is defined by his courage and action”
Dalawang bagay na nagtatakda sa pagkalalaki ay: ang lakas ng loob at ang kanyang galaw. Gamit din ang dalawang bagay na ito, HALOS (“generally”) malalaman natin kung gusto ka ng lalaki:
Lakas ng Loob. Ang mga lalaking malakas ang loob at may oras ay talagang lalapitan ka at liligawan ka. At siguro ito na ang obvious na gusto ka talaga ng lalaki. Huwag ka nang magtaka kung gusto ka talaga niya. Kung gumagastos siya ng pera para sa iyo, naglalaan siya ng oras para sa iyo, kung minsan pinagpapalit nya ang DotA para sa iyo, aba! Gusto ka nya! At ikaw na! Kasama sa lakas ng loob ay ang:
Pagkausap at kinakamusta ka sa iyong personal na buhay o gawain. O kaya naman ay binabalitaan ka nya sa personal nyang buhay. Maaaring espesyal ang tingin nya sa iyo o di kaya ay nagpapasikat siya sa mga ginagawa nyang personal. Tulad ng pagpunta sa Gym, paglalaro ng basketball, pagmamaneho ng motor, atbp.
Galaw o Body Language. Hindi naman porke hindi sinasabi ng lalaki na gusto ka nya ay duwag na siya. Sa katunayan napakaraming dahilan kung bakit hindi sinasabi ng lalaki ng gusto nya ang babae, maliban sa “takot siya sa kabiguan”. Gayunpaman, malalaman natin ang motibo nya sa iyo gamit ang pag-obserba sa kanyang galaw na kilala rin sa body language:
Lagi ka nyang tinitignan!
Eye Contact. Kung madalas at matagal ka nyang tignan sa mata ibig sabihin interesado siya sa iyo.
Lagi siyang dumidikit sa iyo. Maaaring may gusto siyang sabihin o gusto ka nyang makasama.
Lagi ka nyang tinutulungan kapag nababalitaan nyang may problema ka o kahit sa maliliit na bagay.
Lagi siyang nag-jo-joke maaaring hindi sa iyo, basta mapatawa ka lang.
Lagi siya nag-te-text
Eksperimento
Para malaman kung interesado sa iyo ang isang lalaki, gumawa ng eye contact sa kanya. Umalis at pumunta sa isang lugar na makikita mo siya ngunit hindi ka nya makikita (likod ng pader o poste). Tignan mo kung hinahanap ka nya o tinitignan nya kung saan ka pumunta. Kapag hinahanap ka nya, interesado siya sa iyo.

BINABASA MO ANG
Love Tips <3
Teen Fiction❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ Pag mahal mo isang tao, mahal ka man nya o hindi, nakakaganda yan ng araw. Yung tipong gigising ka sa umaga na alam mong inlove ka. ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤