Ang panliligaw na siguro sa pamamagitan ng text ang PINAKAMADALING paraan. Ngayon, sa halagang 20 pesos, Unli ka na at magdamagan na kayong pedeng magusap, hindi mo na rin po problemahin ang mga itsura kapag nag uusap kayo, kahit naka sando ka pede mo na siyang ka text.
Pero kung ikaw ang nililigawan, papayag ka naman bang makuha lamang sa text? May kanya-kanyang opinyon ang bawat isa ukol dito. May mga taong hindi basta basta agad nagtitiwala, at mayroon namang mabilis mahumaling.Paano nga ba manligaw sa text?
Ayon sa kasunduan natin sa kahulugan ng panliligaw, ang panliligaw ay paraan kung saan ginagawa mong espesyal ang isang tao. Kung gayon, gawin mo lang siyang espesyal kapag kausap mo siya sa text:Patawanin mo gamit ang mga jokes.
Greet mo siya ng mga quotes sa umaga at bago matulog.
Kumustahin mo siya sa tanghali kung nakakain na siya.
Kung may problema siya i-text mo siya.
At higit sa lahat, dahil espesyal siya, i-PRIORITIZE mo siya sa lahat ng ka-text mo. At huwag kang maging sweet sa iba pang ka text mo dahil hindi na siya magiging espesyal.
BINABASA MO ANG
Love Tips <3
أدب المراهقين❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ Pag mahal mo isang tao, mahal ka man nya o hindi, nakakaganda yan ng araw. Yung tipong gigising ka sa umaga na alam mong inlove ka. ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤