Ang sarap siguro ng pakiramdam na magkaroon ng ka relasyon na tatanggapin ka maging anu ka pa man. Gayunpaman, kung mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat upang magbago at magkasundo kayo.
Sa kaso ng mga babaeng may “target” na lalaki, narito ang ilang mga bagay na rekomendadong iwasan mo.
Minsan, may mga katangian o gawain ang babae na hindi gusto ng mga lalake. Kapag na-spot-an ka ng lalaki na may ganitong katangian, malamang iiwasan ka.
Hindi sinasabi ang problema. Hindi mahikero ang mga lalaki na nakakabasa ng utak. At wala sa nature nila ang mga sensitibo, kaya naman huwag mo na silang pahirapan kung talagang pinaparamdam mo sa kanyang may problema ka. SABIHIN MO NA LANG AT PAG-USAPAN NYO. Mayroon akong kaklaseng babae nuong highschool na nakasama namin sa group project, siya lang ang nag-iisang babae sa buong grupo, Sa gitna ng proyekto nagpapa-ramdam siya ng kalungkutan at pagka-inis, lahat ng lalaki ay tinatanong siya ngunit wala siyang sinasabi. Hanggang matapos ang proyekto. College na kami at wala pa ring lalaking nagbabalak manligaw sa kanya, dahil daw sa ganung katangian. Halos lahat ng babae ganito, nagkataon lang na ang kaklase kong babaeng iyon ang nag-sampol sa mga lalaki.
Boring. Walang lalaking may gusto sa boring na babae. Ang lalaki ay natural na agresibo at aktibo, kahit gusto ka nya, kung sa bawat lugar na gusto nyang puntahan, sa bawat sports na gusto nyang matutunan ay ayaw mo, iisipin nyang magiging pabigat ka lang sa buhay nya. Mas gusto ng lalaking makasama sa buhay ang babaeng handa sa iba’t ibang adrenaline.
Nangongontrol. Seryoso, isa ito sa PINAKAMALAKING PROBLEMA ng mga lalaki, lalo na ng mga lalaking may barkadang lalaki. Ang mga babaeng ito ay tinatawag din “Overly Attached Girlfriend”. May mga pagkakataong astig ang dating ng mga aksyon nila, minsan maaaring bigyan na lang ng kahulugang naglalambing, PERO ANG SABIHIN KUNG ANO ANG DAPAT GAWIN NG LALAKI SA BAWAT MINUTO AY SOBRA NA.
Ang mga sumusunod ay ilan pang mga katangiang ayaw ng lalaki ayon kay Cathy Hopkins:
Smelly(masyadong pabango o kaya ay mabaho). Ang cologne at amoy ng buhok ay ayos na, dahil natural na mabango ang mga babae sa pang-amoy ng mga lalake. NGUNIT ANG MAGING MAS MATAPANG PA SA AMOY NG CAR FRESHENER AY NAKAKAHILO NA.
Mga babaeng nangangako.
Mayabang at maraming hinihingi(demanding).
Maingay. Seryoso ayaw ng mga lalaki ito. May mga babaeng nagiging astig KAPAG nagingay, ngunit may mga babaeng laging maingay na nagiging wangwang ng barkada.
Kumplikadong babae. Masyado nang misteryoso ang mga babae para sa lalaki, ang pagiging kumplikado ay lalo lang magpapakamot sa mga lalaki. Hahanap na lang ng mas simple.
Problemado o depressed. May mga lalaking didikitan ka kapag may problema ka para maka-iskor sa iyo, aastang tagapag-ligtas mo, ngunit iba ito. Kapag matagal na kayong nagsasama at lagi ka na lang may problema sa sarili mong buhay, atbp. Sobrang laki ng posibilidad na hiwalayan ka nya. Hindi nakikipag-relasyon ang lalaki para maging psychological counsellor ng mga babae.
Reklamador.
Hindi makontrol(Wild).
Hindi nakapag-move-on. Mga babaeng may “something” pa rin ng ex-boyfriend. Ikinukwento o binabanggit pa rin ang ex-boyfriend.
Mga babaeng nasa diet.
Mga babaeng ini-re-reklamo ang bawat parte ng katawan nya. “Ohhhh! Ang laki ng balakan ko!” “Ohhh! Ang laki ng tenga ko”
Mga babaeng hindi alam kung paano magsaya.
Mga babaeng hindi nagsasalita sa mga usapan.
Mga babaeng masyadong pinaglalaruan ang utak ng mga kalalakihan.
BINABASA MO ANG
Love Tips <3
Jugendliteratur❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ Pag mahal mo isang tao, mahal ka man nya o hindi, nakakaganda yan ng araw. Yung tipong gigising ka sa umaga na alam mong inlove ka. ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤