Akala ko
Akala ko, nawala na ang nararamdaman ko para sayo
Akala ko nakalimot na ako,
Akala ko wala na yung hapdi dito pero sadyang malakas ka at heto..
Akala ko lang pala.
Kasi hanggang ngayon, masakit pa rin..
Kasi hanggang ngayon, damang-dama ko pa rin ang hapdi na naidulot mo sa puso ko
At ang sakit isiping kahit anong hapdi ang naidulot mo, hindi ka mawala wala sa bawat parte dito.
At kahit masakit, pangalan mo pa rin ang sigaw ng bawat pagpintig nito at laging may nakahandang puwang dito para sayo
Kahit kailan, hindi nabura ang sarap ng pagmamahal mo sa puso ko
Maging ang mga ala-ala mo pa rin ang laman ng bawat sulok ng isipan ko
Sa aking pagtulog, larawan mo ang dala ko at maging ang mga tawa mo ang nagiging hele para makomportable ako
Bakit hinayaan mo akong malunod sa pagmamahal ng bawat titig at ngiti mo?
At sa ngayon ay hindi ko na alam kung pano pa makakaahon dito
Pero,
Hanggang kailan?
Hanggang kailan ako aasang isang araw babalik ka?
Hanggang kailan ako aasa na muli mo akong titingnan sa mga mata nang may pagmamahal at ligaya?
At napakasakit dahil hanggang ngayon ay umaasa akong magbabalik ka sa aking bisig at muli mong ipapadama sakin ang tamis sa mga salitang 'mahal kita'
Dahil ako, hindi ako napagod na mahalin ka kahit sobrang sakit na
Ano bang ginawa mo sa'kin at ngayon ay minamahal kita ng sobra?
Na kahit mumunting mga bagay na nakapagpapaalala sayo, hindi ko mabura bura?
Muli, akala ko hindi na kita mahal..Pero ako'y nagkamali dahil isang maling akala na naman pala..