Chapter 3: Flashbacks
AJ's POV
Bakit ganun ? nakakaasar! pag naaalala ko yun!
Ako kasi yung lalaking nambully dun sa matabang lalaki na yun
*Flashback*
(Patty: Puro Flashback ah? xD)
nasa 5 yrs. old na ako nun ng makita ko yung matabang lalaki na laging naka tingin kay segumi nun. sa inis at akala kong masamang tao sya inagaw ko yung laruan nya
"Anong tinitingin tingin mo kay segumi ha?" inis na sabi ko at kinuha yung laruan nya. Bata pa lang ako Gusto ko na si segumi Una ko syang nakita sa Birthday party ko nung kaka-5 ko lang. Puro mga business partner nila mama at papa ang mga imbitado. Konti nga lang ang mga bata dun eh. Hanggang sa makita ko si segumi nag iisa sa swing. May swing kasi kami nung bata pa ako
Lalapit na sana ako para tanungin kung sino ang kasama nya at kung anong pangalan nya pero bago pa ko makalapit tinawag na syan ng mama nya yata
"Segumi! uwi na tayo" yan yung sabi. kaya nalaman kong segumi pala ang pangalan nya
Araw araw kong iniisip si segumi. yung mga mata nya ang gaganda
At sa hindi inaasahang pagkakataon napadpad ako sa playground kung saan nakita ko sya nag lalaro sa buhanginan ang cute nya tingnan kasi natutuwa sya pag naglalaro ng buhangin
At nakita ko yung matabang lalaki na nakatingin More like titig kay segumi sa inis ko ay binully ko sya hanggang sa lumapit nga si segumi samin at pinagtanggol nya yung matabang lalaki, tapos nung tinarayan nya ko kunwari umiyak ako nun pero ang totoo hindi naman nakakaasar yung insulto nya sakin nun hanggang sa ayon, hindi ko na sila nalapitan pa baka lalong magalit sakin si segumi eh.
Naiinis ako pag nakikita ko silang nag tatawanan nung matabang baboy na yun
hanggang sa isang araw nakita ko syang naka upo sa puno at nilapitan ko sya
sa gulat ko ay umiiyak pala sya
"Bata, bakit ka naiyak?" tanong ko sa kanya
"*Sniff* iniwan kasi ako ng bestfrioend ko, sabi nya magpapa alam sya sakin pag umalis sila *Sniff* pero hindi naman sya nag paalam!" sabi nya at umiyak sya
"Shhh. Okay lang yan, tahan na" sabi ko at inalo alo ko sya para tumahan
"Nakakainis eh!!" sabi nya sabay padyak ang cute nya talaga
"Ako, pwede mo naman akong maging bestfriend ah?" sabi nya at inabot yung kamay ko sa kanya
"Ako nga pala si Ace Jonathan Montezuma Light!" masayang pagpapakilala ko sa kanya pero nagulat ako ng tumawa sya
"HAHAHAHAAHAHAHA MONTE-- PFFT! HAHAHAHA XD MONTEZUMAAA!!" halos mabingi ako sa lakas ng tawa nya
"H-Hey! grabe ka naman!" sabi ko hindi parin kasi sya tumitigil sa kakatawa eh ._.
"Hahahaha kasi naman, Pfft! HAHAHAHAHA" ayan wala na syang tigil sa kakatawa kahit naiinis na ako, wala hindi ko naman sya pwedeng sapakin kasi crush ko sya eh. Oo crush ko sya bakit ba xD
"Okay titigil na ko" sabi nya at sumeryoso naman ang mukha nya
"Ako nga pala si Segumi Fox Mantha Letoce" sabi nya sabay lahad ng kamay nya
"So Bestfriend?" sabi ko
"Umm yeah, I Guess" kibit balikat nyang sabi at simula non naging mag bestfriend na kami lagi kaming mag classmate, Oo naging stalker/Bestfriend nya ako shh lang kayo ah?
