Chapter 6: Concert Day (And Special Part)

5 0 0
                                    

Chapter 6: Concert Day (And Special Part)

Segumi's POV

"KYAAAAHHHH!!! THIS IS ITTTT!!!" Tili ko pagka gising na pagka Gising ko pa lang, ngayon na ang concert nilaaa! >.<

Nag ayos na ako at nagbihis mga 6 pa ng gabi ang concert at sa kasamaang palad 1 pa lang ng hapon, opo ganon kahaba ang tulog ko pano ba naman kasi nag text pa kami ni Montezuma -_- tapos tinawagan nya pa ako kaya ang siste, 3:00 am na ako nakatulog

Tch. Gusto ko na mag 6!! >.< sarap hilain ng oras eh! tch tch -_-

Tutal 6 pa naman ang concert at 1:10 pa lang ng tanghali maglalakad lakad muna ako actually malapit lang dito sa hotel yung Play Ground na pinupuntahan namin ni martin nun, matagal tagal na din akong hindi nakakapunta dun, madalaw nga

Naglakad ako ng 15 mins. tapos narating ko na yung playground, nakakapanibago kasi iilan lang ang naglalaro hindi katulad ng dati, may cover pa kasi yung play ground nun kaya madami ang naglalaro nun umulan man o umaraw pero ngayon eh iilan na lang

Naglakad pa ako ng ilan pang step at narating ko na din yung Bestfriend Tree namin. Namimiss ko na talaga sya

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko

"Eto na ba ang tamang panahon para kalimutan ka martin?" sabi ko at umupo sa ilalim ng puno nagmuni muni muna ako saglit at napag desisyunan ko nang bumalik sa hotel para mag ayos para sa concert mamaya

Humuling sulyap muna ako sa Bestfriend Tree namin at binitiwan ang mga katagang

"Hindi kita kayang Limutin Martin"

At Umalis na ako sa Playground

Patrick's POV

"Oh, san ka pupunta? 3:00 na oh!" sabi sakin ni Pete

"May pupuntahan lang ako, babalik din ako agad bago mag 4:00" sabi ko at sinuot ko na yung cap ko at shade at umalis na ako

Pupuntahan ko ang Bestfriend Tree namin ni Fox

15 mins. lang ang nilakad ko at nakarating na ako sa playground madaming nagbago

Lumakad ako papuntang Bestfriend Tree namin pero may nakita akong babaeng nakatayo sa Bestfriend Tree namin at narinig ko pang sinabi nya na

"Hindi kita kayang Limutin Martin" at umalis na sya sa Puno

Tila nanigas naman ako sa kinakatayuan ko ng marinig ko yun

Sya si Fox!!!

Hahabulin ko na sana yung babae ng May humawak sa Braso ko

Shit!!!

"Patrick Tara na! nagalit si manager ng di ka nya nakita" si Pete pala

Nilingon ko ulit yung babae pero nawala na sya sa paningin ko! Badtrip!!

"Nakakabadtrip ka pete!!! ewan ko sayo!" padabog akong lumakad palayo kay Pete

Pete's POV

Anyare dun?

Ano bang Ginawa ko?

Authorrrrr!!! anong ginawa ko!?

(Patty: Ewan ko sayo! nababadtrip din ako sayo! Grrr *Walkout*)

Hala? ano bang ginawa ko kasi?

Tsk BTW nang makita kasi ni Manager si Patrick na lumabas ng Hotel ay pinasundan nya sakin si Patrick, meron kasi syang pamahiin eh na bago daw mag concert dapat sama sama lang daw kami hanggang mag concert na ewan ko ba dun. Yaan mo na nga yun

Just One YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon