Regalo mo sa akin

80 1 0
                                    


Galit ka ba?

Tanong mo na palagi kong sinasagot ng

Hindi.

Hindi ako galit.

Hindi nga ako galit.

Hindi.

Ilang beses kong nang inulit pero 'di mo maintindihan na

Hindi ako galit.

Oo, May mga bagay na di ko masabi pero

Hindi ako galit.

Dahil..

Hindi poot.

Hindi pagkamuhi.

Hindi pagkasuklam ang nararamdaman ko kundi kalungkutan,

Kalungkutan na nang galing sa salitang lungkot,

Lungkot na ibinigay mo sa akin na parang regalo,

Regalo na kay saya kong binuksan at kay lungkot din nang makita ang laman.

Wala. Walang laman.

Katulad ng puso mo na wala ng laman.

'Pagkat dito iba na ang lamang

Dahil di na ako ang iyong mahal.

















-----------+++------------

Badtrip ako. Pero iniisip ko na hindi. Kaya hindi ako galit. Lol

#HUGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon