Tangina!

46 0 0
                                    

Tangina.

Narinig mo na ba iyan?

Isang salitang hindi itinuturo,

Ngunit kusang natutunan.

Tangina.

Maaring narinig mo na hindi ba?

Mula sa galit mong kapit-bahay

Hanggang sa pinanood na pelikula

Tangina.

Narinig mo na nga.

Huwag ka nang mahiya

Kung ito ay minsang nagamit mo na

Pagka't ako mismo ay nagmumura

Hindi naman dahil masama akong tao

Merong lang talagang mga pagkakataon

Na wala ka nang ibang masabi kundi Tangina.

Eto, Makinig ka.

Magsasaad ako ng mga pangyayaring nagamit ko ang salitang iyan.

Tangina.

Nasabi ko nang makabasag ako ng pinggan.

Tangina.

Nasabi ko nung ako'y na late na naman.

Tangina.

Nasabi ko nung madulas ako sa hagdanan.

Tangina.

Nasabi ko nang matapilok ako sa may daanan

Tangina.

Nasabi kong nung maiwan ko yung wallet ko sa kama

Tangina.

Makinig ka kasi dahil sayo nagamit ko ang salitang iyan

Tangina.

Napatili ako nung minsang ginulat mo ko.

Tangina.

Nasabi ko na lang nung nahulog na sayo.

Tangina.

Kasi sinabi mo ding mahal mo ko.

Tangina.

Ang saya ko kasi naging tayo.

Tangina.

Kasi nagkaroon ng ikaw at ako.

Tangina.

Makinig ka kasi dahil sayo ginamit ko ang salitang iyan.

Tangina.

Sinabi ko nung nakita kitang may kasamang iba.

Tangina!

Isinigaw ko nung malamang ako'y niloloko mo na.

Tangina.

Iniyak ko nung nung sinabi mong may mahal ka nang iba.

Tangina.

Nasabi ko nung umalis ka na.

Tangina.

Kasi yung ikaw at ako. Wala na.

Tangina.

Paulit - ulit kong sabi kasi ang sakit sakit na.

Tangina.

Pabulong kong sabi sa sarili kasi tangina naman eh.

Ginago mo na nga't lahat - lahat.

Ganoon pa din. Ganoon pa rin.

Tangina.

Mahal ka pa rin.










Tangina.

Isang salita.

Libong damdamin

Maraming dahilan.

Iisang pinanggalingan.

Pusong nagdaramdam.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#HUGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon