Ang Ampon 6

6.7K 104 2
                                    

pagka gising ko ay tila nakalock ako sa mga bisig ng isang prinsipe, charot!
nakaakap nga saakin si Dustin at ganoon din ako nakaakap sakanya damang dama ng mga kamay ko ang kanyang napaka yummy na katawan

" pinag nanasaan muna ata ako mike ha " ani nito, nagulantang ako na gising na pala ito at nakatingin saakin. tumayo ako at tumalikod dito nakakahiya naman

" baliw! good morning pala Dustin " bago pa man ako tumayo ay hinawakan na nya ang kamay ko,

" mamaya kana tumayo mahiga kana ulit dito tas akapin muna ulit ako, " nakikipag hatakan ako, nakakahiya baka mamaya sinusubukan lang ako nito

" baliw tumayo kana nga dyan Dustin " ani ko dito, ng medyo nawalan ata ako ng pwersa ay bigla akong hinatak nito pahiga

" mahiga kana! hindi mo ba nakita mukha tayong mag asawa kanina? " isubsob ko yung mukha ko sa dibdib nya dahil panigurado ay namumula naako,

" wag mo sabihing dede ka saakin " itinulak ko sya, ng patayo naako ay inakap nako nito mula saaking likuran at ilock sa pagkakahiga

" anubayan dustin! " medyo naiinis naako, dahil baka mamaya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka marape ko sya

" alam kong hindi ka straight mike, obvious na kaya mas pinapahalata mo pa kapag tinititigan mo yung katawan ko alam kuna agad mike " para akong naging istatwa sa kinahihigaan ko. alam nya na pala so ibig sabihin noon ay tanggap nya ang kasarian ko

" ta-ta-talaga " humarap ako sakanya, napaka gwapo nito habang napangisi saakin

" oo at alam mo, nagkaroon na din kasi ako ng syotang kagaya mo, gwapo macho din kaso niloko nya ako dahil hindi paako ganoon ka macho noon kaya nga tignan mo pinaganda ko ng husto yung katawan ko " gosh! mas nakakagulat pala ang rebelasyon nya saakin,

" grabe naman sya! kung ako sakanya hindi kita ipagpapalit " bigla itong natawa saaking tinuran,

" kaya nga gusto kitang ligawan eh, kung maari lang " nagulat ako sa sinabi nya? seryoso ba sya? liligawan nya ako?

" ha? seryoso kaba? o baka mamaya trip trip lang yan ha " ani ko dito

" tss! ito para malaman mong seryoso ako " hinalikan nya ako saking pisngi

" bat sa pisngi lang! " ako naman ang humalik dito, pero sa labi iyon, hindi sya gaanong matagal baka kasi mamaya mag init pa ang mangyayari

" ang sarap naman nun!so payag ka ng ligawan ko " jusko napaka gwapo nya, ewan ko ba kung nagpapaawa sya or ang cute cute ng expression nya

" hindi ako babae para ligawan pa Dustin! tayo na " nagulat sya sa biglaan kong pagsagot dito, may pagnanasa narin ako kay Dustin, kaya ngayon maari na naming magawa ang hindi pa namin nararanasan

" I love you " hinawakan ko ang magkabila nitong pisngi,

" I love you too " sinisidan ko ito ng pagkasarap sarap na halik

                   Susunod

Ang Ampon (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon