Prologue

802 8 6
                                    

Prologue

            “Class dismiss” ang kahuli-hulihang sinabi ng guro ko bago kami umalis ng silid. Katatapos lang ng huling subject ko sa araw na ito.

Bago ako lumabas, tiningnan ko muna ang mga psg ko sa labas ng room.

Nakatayo sila ngayon sa may hallway kaya’t nakakuha ako ng pagkakataong lumabas nang hindi nila namamalayan.

“Hahaha… Lagot kayo ngayon kay Papa.” Mahinang sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo pababa ng building.

Nakarating na ako sa parking area ng school at agad kong nahanap ang kotse ko. Oo, may kotse ako. Mayaman kaya kami.

“Ayun siya!” sigaw ng isa kong psg mula sa bintana ng room ko sa fourth floor.

“Hahaha… Dalian niyo namang bumaba.” At mabilis akong pumasok sa loob at minaneho ito palabas ng campus. Nakita ko namang hinabol nila ako sa likuran. “Ang tatanga! Hahaha may kotse naman sila para habulin ako.” Malakas kong tawa.

Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse para makarating na rin ako sa pupuntahan ko.

BEEP! BEEP! Napalingon ako sa likod ko. “MISS HANNAH! HINAAN NIYO ANG PAGPAPATAKBO NG SASAKYAN! BAKA MAPANO KAYO!” sigaw nung isa kong psg na nakalabas pa ang ulo mula sa bintana.

“Wow ang bilis niyo na ngayon!” sabay bitaw ko sa manibela para pumalakpak. “HAHAHA!”

PRRRRRRRRRRRRT! May nakita akong isa pang sasakyan na nanggaling mula sa kanan na bahagi ng daan.

            “MISS HANNAH!!!”

            “AAAHHH!!!” napapikit ako sa kaba.

            ….

            …..

            ……

            …….

            “Miss Hannah? Miss Hannah? Ayos lang po ba kayo?” bigla akong dumilat.

            “Mmm. Shit” sagot ko lang at saka tumango para sabihing okey lang ako.

            “Ako na lang po ang magdadrive.” Hindi ko alam kung bakit pero agad naman akong lumabas ng sasakyan at lumipat sa backseat.

            Ninenerbyos ako. A-Akala ko talaga mamatay na ako. Nakaupo na ako sa likod.

            “Okey lang po ba kayo Miss Hannah? Gusto niyo po idaan ko kayo sa Hospital?” tanong niya.

            “No. Ideretso mo ako sa Mall.” Alam na niya kung saang mall ang tinutukoy ko.

            Pagkarating ko sa mall, agad kong pinuntahan ang boutique ni Phoebe at pumili doon ng anim na new arrival na sneakers.

            “Bakit parang maputla ka?” tanong ni Phoebe sa akin.

            [Phoebe – biblical name “shinning and pure” mentioned in Rom. 16:1]

            “Huh? Maputla? Hindi naman eh.” Sabay lingon sa psg ko.

            “Talaga? Pero maputla ka talaga.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

            “Tss. Ano ba! Hands off…” At tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa mukha ko.

            “Hindi ka pa rin ba nagbabago Elisha? Akala namin titino kana kapag andito kana kasama namin.” Sabi niya sakin saka sinenyasan ang psg ko para lumayo.

Forty Days with my GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon