Dedicated to @shehana07 >>> The cutest GP. Hello Ate koi :*
Hope you'll like this update. Vote and Comment thank you! :)
========================================
Day One: It all starts with God
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggaling sa bintana. Biglang pumasok sa isipan ko ang tungkol sa mga nangyari kahapon. Una, tinakasan ko ang mga psg, pangalawa malapit na akong maaksidente at pangatlo, ang hindi kapani-paniwalang Genie na nanggaling sa loob ng sapatos na bigay sakin ni Phoebe. Pero mukhang nananaginip lang ata ako kagabi? Walang katotohanan ang tungkol sa Genie-Genie na yun. Makabangon na nga lang…
Pagmulat ko ng mga mata, “Good Morning Master!” kinusot-kusot ko ang mga mata ko.
“Ah. Shet!” sigaw ko.
“Master! Huwag ka sabing magsabi ng bad words eh!” galit niyang bungad sa akin.
“Totoo ka talaga? As in?” kinurot ko siya sa pisngi.
“Aww!” Hinimas niya ang kanyang cheeks.
“Totoo nga!” bumangon ako mula sa pagkakahiga.
“Hindi ka pa rin ba naniniwala?”
“Mahirap ka kasi paniwalaan eh? Saka malay ko ba kung nananaginip lang ako kagabi.”
“Gusto mo maging usok ulit ako sa harapan mo Master?”
Usok? “No! Wag na. Naniniwala na ako. Ano bang kailangan mo sa akin at ang aga-aga mong nambubulabog?”
“Uhm. Lemme’ think. Kasi…” He put his point finger on his temple. “Kasi!”
“Oh!? Ano?”
“Day One ng mission ngayon Master.”
“Day One?”
“Yes Day One.” Ulit niya.
“Ano namang gagawin ko kung day one ngayon?”
“Hmmmp. Diba makakasama mo ako for forty days? I have a question… What on Earth you’re here for Master?”
“Ano? Bakit ako nandito ngayon sa mundo?” tanong ko. Pa-english-english pa kasi eh. Pwede namang magtagalog.
“Yes.”
“Eh kasi ginawa ako ng magaling kong tatay at maganda kong nanay.” Sagot ko sakanya.
“You actually don’t know Master. Right?”
“Haay! Ewan ko sayo.” Tumayo ako mula sa kama.
“Gusto mo bang makuha ang wish mo?”
“Ahm.” Bigla akong napaisip dun ah! May wish ba ako? Kung totoong possible ang lahat sa kanya pwes! Hihilingin kong buhayin niya si Mama.
“Sorry Master pero hindi maaari ang iyong naiisip na kahilingan.” Agad niyang sabi. Oo nga pala! Nababasa pala niya ang nasa isip ko.
“Bakit naman hindi? Eh diba Genie ka?”
“Genie nga ako pero hindi ko maaring buhayin ang isang bagay na wala ng buhay. Isa na itong gawain ng demonyo, Master.”
Kung sabagay, tama nga naman siya.
“Alam kong marami kang gustong hilingin ngunit, hindi mo pa mafi-figure out yan ngayon. Ang laman ng isip mo ay puro nonsense Master. Kaya nga andito ako para matulungan kita at matulungan mo rin ako.”
BINABASA MO ANG
Forty Days with my Genie
Teen FictionGenie + Human + God = LOVE "Ayokong mainlove sa isang Genie na mawawala rin lang pagkatapos ng 41 days." -Elisha