Saturday na! Walang pasok! =D *ngiting tagumpay*. Buong week ganon padin kami ni Roi away ng away. Tapos mas napapadalas din yung pagsumpong ng hika ko kaya lagi ko nang dala yung inhaler ko. Ang weird duon lagi akong hinihika pag kasama ko si Roi. May sa demonyo yata eh -_-
“Gwiyomi…gwiyomi…nanananana….gwiyomi. Hahaha ang saya nito Sab laugh trip!” Nandito kami sa sala ni Lesly at siya nagprapractice mag gwiyo-whatever. Hindi siya cute -_-
“Lelsy itigil mo yan hindi maganda sa mata.”
“Eto kahit kelan KJ! Maki-uso ka naman. Tara turuan kita….gwiyomi gwiyomi” Para siyang tanga na naggigwiyomi sa harap ko. Bakit ko ba nagging kaibigan to? Sabihin niyo nga?!
“Sasabunutan na kita in 3 seconds. 3……….2………..” DING DONG!
“HEP! Wait lang. Save by the bell ako =D” Binuksan niya yung pintuan alangan yung buong?!
“Sino yan?” tanong ko kay Lelsy.
“SWEEEEETT!” Nagulat naman ako dun napabangon tuloy ako bigla. Teka anong ginagawa niyan ditto? Hindi man lang nagtext.
“Dito sa sala!” Sigaw ko pabalik sa kanila.
Pumasok na din sila isa isa. Si Lesly nauna may dalang foods tapos sumunod si Luke may mga DVDs tapos akala ko wala na pero bigla nalang pumasok si ROI!!!!!!! Pumikit ako tapos minulat ko ulit yung mata ko para makasigurado na yung bwisit na Roi nga yun. At sa kasamaang palad confirmed.=(
“Ano? Makatitig ka diyan.Gwapong gwapo ka nanaman.” Yabang pre! May bagyo?! Ang hangin e!
“Kapal mo! Ikaw hanggang ditto ba naman sa bahay mambwibwisit ka?!”
“Hindi naman ikaw ang dinadalaw ko a. Si Lesly.” Tapos nagsmile siya kay Lesly at eto namang naturingang kaibigan ko ayun nag beautiful eyes din! Eww. I hate pacute.>.<
“CHE!” Tapos binato ko siya ng unan na nasalo na man niya. Kaya binato ko pa ulit ng madami pero sa kasamaang palad ‘Nasalo niya ang lahat, Naiinis ako pagkat, nasalo niya ang lahat’ (Mabuhay ang mga DJ Fans =D)
“Ano ba yan mambabato na nga palpak pa.” Yan na! Nang-aasar nanaman ang mokong!
“Jusko naman! Wala ba akong day-off sa pambibwiset mo? Saturday na uy! Monday to Friday kontang kota ka na sa pambibwisit mo!” Dramang drama ako ditto tapos si Roi at si Lesly tawang tawa naman. HMP! Asan ba kasi si Luke? Ang tagal niya sa kusina.
“Wag niyo ngang pagkakampihan si Sab. Roi sinama kita para hindi ka malungkot kaya wag kang mambibwisit.” Pumasok si Luke na may dalang softdrinks para samen tapos foods.Umupo naman siya sa tabi ko. Tapos si Lesly nasa floor at si Roi nakaupo sa isa pang couch.
“Oo nalang. Palibhasa di mo matiis yang halimaw na yan.” Inirapan ko siya sabay belat.
“Buti pa tong si Luke di ako inaapi. Pahug nga diyan sweet.” Naghug kami ni Luke ng matagal. Comportable kasi ako pag nakayakap ako sa kanya hehe. Ambango pa niya.
“Hoy! Bawal PDA!” Sigaw naman ni Lesly sabay tapon ng chips sa amin.
“CHE! Yakapin mo din yang halimaw na yan para di ka mainggit.”
“Psh! Friends with benefits.”-Roi
“Ano?!” Kumalas ako sa yakap tapos sinugod ko si Roi. Binatuk batukan ko siya. Bagay lang sa kanya ang pilyo pilyo kasi.
*Pook*”Ikaw ang dumi dumi ng utak mong bata ka!” *Pook*”Lagi mo akong pinagtritripan!”*Pook*”Hanggang ditto sa bahay” Babatukan ko pa sana siya kaya lang nahawakan niya yung kamay dalawang kamay ko tapos hinila niya ako palapit sa kanya. SHOCKS ang lapit namin!!! Nararamdaman ko na nga pati yung hininga niya e.