Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro.. Hindi ka naman makakabasa sa radyo diba? tsk !
Ako si Amber Natividad. 16 years old at nag aaral sa paaralan. 'wag nyo nang itanong kung saan. Di naman uso address dito eh. Minsan nga may nagtatanong sakin "ate san ka nag aaral?" tapos sasagutin ko nang "malamang teh sa paaralan. Try mo sa butika. Baka may libro dun -__-"
Hindi naman sa masungit ako. Ayoko lang kasi na tinatanong ako ng obvious. Hello? common sense nga !
Habang nagbabasa ako ng libro ay may nagtanong sakin ..
"Uy Amber! Anong binabasa mo?"
"Libro.."
"Ahh eh maganda ba?"
"Malamang babasahin ko ba kung pangit? Tska hello wala tong make up pano to gaganda? Pa-salon kaya naten?" sarkastiko kong sagot kay Luke. Ang kaklase kong ubod ng daldal. Di ko nga alam pano nakakatagal mga kaklase ko dito eh. Buti nga pag ako kausap neto tumatahimik agad.
******
Nandito ako ngayon sa canteen . Kumakain. Di naman siguro ako naliligo dito diba? Hay. ang boring! Wala kasi yung mga players dito ngayon. Di pa daw tapos practice nila..
Oo. meron akong crush. Secret crush. Ayokong malaman ng iba. Secret nga eh diba? Makakain na nga lang...
Habang naglalakad ako sa hallway papuntang room ay may nakabannga ako. Pinulot ko agad yung nahulog na libro ko. Tutulungan pa sana ako netong nakabungguan ko pero sabi ko kaya ko naman. Pag angat ko ng ulo ko, malalaglag ata panga ko .. Nakita ko siya! Yung crush ko! Si Patrick Miguel Salvador!
"Ahh eh sorry Amber .."
WTF? Kilala nya ako? Malamang.. alam nga pangalan mo diba?
"P-patrick ayos lang.. K-kasalanan ko d-din naman."
Nginitian ko siya at aalis na sana kaso bigla nyang hinila yung kamay ko.
"Look Amber I want to tell you something.."
"A-ano yun Patrick?"
"143"
"Ahh.. hehe"
Gusto ko na sanang umalis . Alangan tumunganga pa ako dito . Edi magmukha pa akong ewan sa harap nya. Ang di ko lang ma gets eh yung sinabi nyang 143. Ano ako? Tayaan sa weteng?..
Makaalis na nga lang ..
"Amber teka lang naman! Wala ka manlng bang sasabihin sakin? Inipon ko lahat ng lakas ng loob para sabihin to sayo tapos balewala lang pala sayo"
"Ay sorry naman.. Di ko kasi masyadong narinig sinabi mo eh.. Pakiulit nga"
"I said 143."
" "Ahh yun lang naman pa-- Anong 143? Address ba yan? O number mo? ay baka naman winning number sa weteng yan.. Teka nga, tingnan ko kung may pera ---"
"Aissh ! Di mo ba na gets? Sabi ko 143 ! Common sense naman ! Tsk."
"Ano ba kasi yun ? "
"Mahal kita!"
Whaaat? Anudaw? Mahal niya? Sino? Ako ba ?? Ay baka sarili niya...
" 1432"
"Ano? Ano ulit sinabi mo?"
"Common sense ! Sabi ko I Love You Too! Mahal din kita."
--------
The end.
Wakas na..Haha. Common sense mga bro. Kaya nga THE END diba ? Malamang tapos na.. may The End bang simula? Hayyy..
Okay bitin. Pagpasensyahan po. Bago lang ako sa pagsusulat ng story. I will try my best sa next story ko. kung Meron pang susunod? Hehe
Thank you sa pagbabasa!
Muahh !
*Kathnielykamae :)
BINABASA MO ANG
Common Sense.. Mahal Kita ! (One shot)
ContoKailangan ba ng common sense sa love?? Haha Please read my story . Thankyou.