Contract 07

91 0 0
                                    

Inaantok na ako habang ginagawa ko tong' chappy na to' so don't expect na maganda masyado, sabaw sinasabi ko na sa inyo.

Happy Reading! Sorry for typos.

----------

Jerome's POV

Yesterday was the best day of my life. When i saw her, parang nahuli niya yata yung puso ko.
  Oo, tama kayo... May gusto ako dun kay Audreya Kim. Ewan ko ba. Siguro dahil cute siya at mabait siya. Basta! 

I hope wala pa siyang boyfriend. Nagbabalak na kasi akong ligawan siya eh. 

   Pero inaalala ko rin ang sarili ko. Paano kung i reject niya ako? Di naman siguro. 

"Kyahhhhh!!!!" 

"Jerommmeee!"

"Princeeeee come to us" 

"I love you jerome alcantara!!!!!"

"Tayo nalang!!!!" 

Ilan lang iyan sa mga naririnig kong sigawan ng mga babae. Di bale, lagi namang ganyan sila pag papasok ako at pansin ko ay may lima pang lalaking sinisigawan nila ng ganyan. Yung isa nga ay yung nakasabay namin ni audrey sa recess at nag walk out ito. 

  Pinagtataka ko lang, kaano ano niya kaya iyon? Siguro naman di niya boyfriend. Kasi di man lang siya nagalit o nagdabog noong naki- share ako sa kanila ng table eh. 

Hindi ko nalang pinansin yung mga babaeng nagsisigawan at nag dire diretso na ako ng room ko. Kasi gusto ko na siyang makita ulit. Si Audreya Kim. Yung babaeng gusto ko. 

"Oh jerome, bakit parang nagmamadali ka?" bungad saakin ng kaklase kong lalaki si mark. "Ahh wala." bawi ko. 

Nag lakad na ako papunta sa seat ko at laking lumay ko nang makita kong wala pa siya. Napaaga yata masyado ang dating ko? 

Nag punta nalang ako sa corridor at subukang maghintay sa kanya doon para magtapat na ako at para ligawan siya pero may naisip akong magandang setting para maipagtapat ko yung feelings ko sa kanya. 

"Rooftop....." nakangiting sabi ko sa sarili ko. Kasi baka pag dito ko iyon sinabi ay pag-usapan kami ng mga tao dito. Kaya sa rooftop nalang. Tahimik eh. 


Audreya's POV

Omaygad excited akong gumising at kumain at maligo at mag-ayos (siyempre) para sunduin ko si blake. 

  Bakit? Kasi nga dita akin na siya! at wala nang makakaagaw sa kanya dahil akin na siya. At alam na niya yung feelings ko so hindi na ako dapat kabahan. I'll act like a sweet girlfriend towards him. Pero gaya nga ng sabi niya, hindi na ako dapat pang mag expect ng kung anong feelings o actions mula sa kanya. Meaning, ako lang yung nagmamahal. Masakit man pero okay narin. 


Atleast naman solo ko siya oh diba?

Tumigil ako sa bahay nila at, shemay! nakalimutan ko na ihahatid ko pala siya sa school. Oo, alam ko na babae ako at lalaki siya. Na ang wierd naman kung ako yung maghahatid sa school. Pero okay narin iyon, atleast kasama ko siya papuntang school diba?

Yun nga, naiwan ko kotse ko sa bahay. Katangahan ko na naman. Paano na iyan? Baka sabihin ni blake na ang cheap cheap ko naman. Maghahatid na nga lang, lakad pa. 

Eh paano kaya kung mag byahe nalang kami? 

Hindi pwede, hindi nabyahe ang tulad ni Kyle Blake Sandoval. 

Huhu, what to do? 

Hindi ko napansin na nasa tapat na pala ako ng bahay nila. Tumigil ako sa harapan ng gate at hinintay yung pag- labas niya dito. 

My Contract Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon