Thesis [One shot]

298 5 4
                                    

THESIS PAPER

(c)LJoeAngel1123 / Beyotch

//MAY 9,2013//

Author's Note: Hello! :) Sana po magustuhan niyo. First matinong story ko po eto eh. XD Tsaka, ipopost ko din ito sa isa ko pang profile, Beyotch yung username kaya sana wag kayong magtaka.  :)

______________________________________

Hello! Ako si Alexi. 17 years old. 4th year highschool. Ngayon, busy ako kakagawa ng thesis namin sa kadahilanang bukas na nga ang due nito nang tumunog nang pagkalakas lakas yung celfone ko.

*Beep* *beep*

From: Baby ^__^

"Hi baby!! Kamusta ka na? Ang saya saya ko ngayon!!"

Nagtext lang naman ang boyfriend ko, si Jack. Pero wala akong oras makipagechosan sakanya kase kelangan ko na talaga matapos tong  thesis na'to.

To: Baby ^__^

"Teka lang text ka na lang mamaya. Busy kasi ako sa thesis namin."

Nasa kalagitnaan na ako ng paper nang nagtext nanaman siya. 

"Ehh mamaya na yan baby. Usap muna tayo. Miss na kasi kita eh. " haay, ayan nanaman siya. Aaminin kong kinilig ako pero hindi talaga ako makaconcentrate dahil kanina pa tunog nang tunog tong phone ko dahil sa mga texts niya

"Kailangan ko ngang matapos to, kasi nga malapit na ang due nito. " reply ko. Makailang segundo pa lang, tumunog nanaman yung phone ko.

"Sige na baby, minsan lang naman ako man lalambing ng husto eh. Gusto kita makasama ngayon, ipagpabukas mo na lang yan. Please? " haaaay. Ang kulit niya talaga! nakakainis na! ugh. Di ba niya maintindihan na malapit na nga yund due nito?! bwiset. di na ako nakatiis kaya reply ko naman sakanya...

"Ano ba kase?! Bigyan mo naman ako ng oras sa sarili ko oh?! Hindi mo ba naiintindihan?! Project ko to! Thesis namin!! PWEDE BA? ORAS NAMAN!! HINDI NAMAN LAGI SAYO LANG UMIIKOT ANG MUNDO KO!! WAG MO NGA MUNA AKO ITEXT!! " matapos kong ireply yan sakanya, tinapon ko na yung lecheng cellphone ko. Di ko alam kung saan na napunta yon. wala akong pakialam. Sino ba namang hindi maiinis?! leche. Sunod-sunod na tumunog yung ringtone ko. Alam kong si Jack nanaman yon, nangungulit. ugh! bwiset. Sobrang naiirita na ako sa ingay ng celfone ko kaya binasa ko nalang ulet yung texts niya.

"Sorry baby. Mahal na mahal po kita. Sige po.. Sorry.. Text na lang kita mamaya."

"Hi baby, hindi ko matiis na hindi ka itext. Gusto ko po talagang makausap ka. Gusto ko maging masaya ulit."

"Hi baby, hindi ka parin nag rereply.. Kamusta na po thesis mo diyan?"

"Baby... Di ka pa rin nag rereply.. Nag aalala na po ako sayo. "

"Baby 10pm na... Dalawang Oras ka ng hindi nag rereply sakin, ui miss na po kita. I love you"

"Uhm baby.. I love you. Sana ok ka lang diyan. Namimiss na kita sana magkasama tayo ngayon"

 

HAAAAY! NAKAKAUMAY NA!!! leche. Araw-araw naman kaming nagkikita ah?! Ang OA niya talaga!! bwisit. Di ko na napigilan! Sumabog na talaga ako! uggghh

"Diba sabi ko sayo mag tetext ako sayo pag tapos na ko dito sa THESIS ko?! Hindi mo ba naiintindihan yun?!!? Ano bang mahirap sa BUSY at hindi mo maintindihan?! Parang wala ng bukas eh. Ang OA mo naman! Pwede ba?! Matulog ka na lang! "

"Sorry baby.. Ok po.. Goodnight sayo. I love you.. Mag iingat ka palagi, lagi kitang babantayan. Andito lang ako, hindi ako mawawala sayo. " reply niya. Andrama naman neto. Kala mo mamamatay. Hindi na ako nagreply pa. Tinapos ko nalang research ko at diretsong sumampa sa kama dala ng sobrang pagod.

Thesis [One shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon