Para Sayo Ate Casper!

309 6 2
                                    

KINIKILIG AKO!

Alam niyo bang kinikilig ako ng bonggang-bongga! Yun kasi yung masabihan ka ng isa sa mga pinakamamahal mong author slash tinuturing mong kaibigan sa Wattpad ng ganito.

Yoursweetestdarnfall (jasmin)

Nakasundo ko sya o nakilala ko sya nung nagpalit sya ng UN :) nung nag iingay sya sa WPP nde ko naman alam na reader ko sya hanggang sa nakita ko comment nya sa TNL.. tas nung nagbabackread ako ng mga comment iba na ung UN para sa comment na yun..ang khulet lang eh :)

Pero si jasmin sya yung isa sa nakakaalam pag totopakin na ako,may topak na ako.. yung tipong magrereply ako sa comment sa watty maya maya andyan na sya para awayin yung kausap ko kasi ramdam nya na tinotopak na ako.. sabi nga alam ng topakin ang kapwa topakin nya :) yung ramdam ko na mahalaga ako sa kanya?? kaya kanina na magkatext kami nasabi ko tuloy na nagseselos ako sa mga kaclose nya hehehe Ayaw ko din pag malungkot sya.. pag mag ggm sya na malungkot sya kasi nalulungkot na din ako.. sabi nga nya DESTINY nga ata kami.. DESTINY Ang kulay ng UTAK.. DESTINY ang TOPAK :) Sya din lang ang nakaalam na tinopak ako kahapon.. at pasensya na kung medyo ganun ang reply ko hehehe SYA din yung pag nasa kalagitnaan ako ng TOPAK ko.. at nakausap ko sya.. parang MAGIC na nawawala ang TOPAK ko.. kaya kung alam nyo na Tinotopak ako..alam nyo na kung sinong LALAPITAN nyo hehehe nanghihinayang pa din ako na hindi tayo nagkita nung mag stay ka sa calamba.. pero alam ko banda banda dyan magkikita tayo.. salamat jasmin. SiLi :)

_casper_

Isa kasi ako sa admin ng group niya sa facebook.  At sinabi niyang magpo-post siya ng message bawat admins at kung ano kami sa kanya. At isa ako sa mga mapalad na mga taong yun. At dahil diyan, nais ko ding maglahad ng mensahe para sa kanya.

ATE CASPER (CAPSLOCK YAN PARA INTENSE. HAHA)

Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang pinakahinahangaang writer na nakausap ko at naging close sa Wattpad. Dati kasi naniniwala akong ang mga magagaling sikat na writer kagaya mo ay masyadong mga busy at sa dinami-dami ng fans nila ay hindi na nila ito makakausap isa-isa. Kaya naman nagkasya ako sa pagko-comment at pag-aabang ng mga update mo sa TNL at BS. Dakilang silent reader mo din ako ng BED at BF! Kaya nga minsan naiinggit ako sa mga taong kinakausap mo sa Wattpad though hindi ko naman talaga ni-try makipag communicate sayo. Haha!

Kaya nung nagkaroon ka ng group sa facebook, sumali ako. Nag-ingay. Hindi ko inaasahan na papansinin mo ko.  At lalong hindi ko inaasahan ang gawin mo kong admin. LAHAT NA LANG NG NAGAWA MO PARA SAKIN HINDI KO INAASAHAN! Nakilala kita ng bonggang-bongga! Nalaman kong madami tayong pagkakapareha hindi lang sa pagiging utak BERDE kundi pati na din sa ugali at pagiging TOPAKIN. Natutuwa din ako kasi isa ako sa mga nakakapagpawala ng topak mo. Alam mo yun, feeling ko ang laki-laki ng papel at impact ko sa buhay mo. Pero siyempre, feeling lang yun. FEELINGERA AKO EH! Hahaha! Saka yung kanina, alam mo yung ang dali ko lang nakapag-open sayo kasi napag-alaman kong pareho tayo at the same time kinikilig ako. Alam mo yung hindi ko talaga aakalain na magkakaroon ka ng ganung feelings sa Vbabes. Hahaha! Basta alam mo yun! Maraming Salamat sa friendship ate Cas. :) Mahalkitaalammoyan! Hahaha. Aylabyualat!

A Thank You LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon