Happy Father's Day, Pa!

231 9 0
                                    

Happy Tatay's Day, Papa! :))

Hindi mo to mababasa dito at lalo naman ng ibang mga kamag-anak natin kaya dito ko na ipo-post (What's the use? Haha)

Kahit na di ka laging nauwi sa bahay kasi ilang beses kada buwan kang napupunta sa ibang lugar para madestino dun, di ka pa rin nagkukulang sa amin. Being a father doesn't always mean na you should support us financially, I mean yeah, obligasyon mo yun bilang tatay but being a good father knows it should be more than that. You've showed us how a good father really is. Pag nasa malayo ka, walang araw na di ka natawag para kamustahin ako, si Mama, si Kuya at yung apo mo. Haha! Ikaw yung nasasabihan ko ng mga struggles ko sa school (kaso di pwede lovelife, baka masapak mo ko. Haha) and you'll do your best na instead mag-alala ako, pinapatawa mo ko lagi. Nagjo-joke ka para mapangiti ako kahit di naman bagay sa serious face mo at kahit sabaw lagi yung jokes. :P Sa inyong dalawa ni Mama, alam mong MAS MAHAL KITA! Hindi ko man nasasabi sayo yun, mahal kita dad! Sayo ko nakuha yung ugali ko. Ugali kong hindi man magugustuhan ng iba pero pinagmamalaki ko kasi sayo ko namana. Oh diba? Haha! Kahit na nagtatalak na si Mama dahil sa ugali nating dalawa, hindi mo siya pinapatulan at tumatahimik ka na lang para di na lalong lumaki yung gulo. And I love you for that!

Sa buong buhay ko dalawang beses lang kita nakitang umiyak, and everytime nakikita ko yun, sumasakit yung dibdib ko. Kahit pa yung isang beses nun ay tears of joy! I can't bear if I see you cry one more time. You're the strongest person I've ever known. Ang taong ma-prinsipyo at may paninindigan. Once you've made your decision there's no turning back. No regrets. Isa yan sa mga ugaling nakuha ko sayo.

Lahat ng meron ako at kung ano ako ngayon dahil yun sayo. Kaya Pa, thank you! Salamat at kahit decade na ang nagdaan di ka pa din napagod at tumigil para MABUO lang si Jasmin. Hahaha! XDD Salamat! Iloveyouu Pa! Take good care :***

Your unica hija,

Jasmin!

A Thank You LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon