BIPx1

228 20 2
                                    


Venice's POV.

Posible bang mahulog sa isat isa ang mag best friends?

What if oo?
Pero pano nalang kung manhid ka?

Pano nalang kung di pwede?

Pano nalang kung may mahal kang iba?

Love is different to crush.

Best friend is different to lovers

Love is your happiness .

And happiness is your choice.

"Huy Venice gising."
Sabay yug-yog sakin sa balikat.

Panigurado si Ken yan yung best friend ko. Parati kasi yang pumupunta rito para gisingin ako at ipaghanda ng pagkain,though meron naman akong yaya sa bahay.

Late kasi ako kung gumising at alam nya yun. Pinapagalitan nga nyan ako
kasi pag- umaga late rin daw ako ng gising.

.

He he ang sweet ng best friend ko ano?

"Venice gising na nga."
Ulit nya pa.

"5 minutes please.."
Sabay kuha ko sa unan at tinakpan ang mukha.

"Hinanda ko na yung uniform mo..."

"Anong kulay nung panty na susuotin mo? Pati narin yung bra?"

0______0

Lintik na!!

Bumalikwas ako sa pagkakahiga at agad na nakarating sa harapan ni Ken na ngayoy nagpipigil na ng tawa.

Bawian ko to ng buhay eh.

."labas na nga Ken! Bastos!
! Che!!! Shooo!!! "
Tapos tinulak tulak ko pa sya para lang talaga makalabas ng kwarto ko.

Pasensya kung may pagka perv ang best friend ko.
Huhu TT

" bilisan mo na kasi kakain ka pa baka malate na naman tayo."
Ginulo pa nya ang magulong buhok ko tsaka lumabas ng kwarto.

" oo na. Sge na alis."
Sinara ko na yung pinto at agad pumunta sa harapan ng salamin.

"Gago talaga."

Hay naku Venice masanay ka na nga sa ganyang ugali ni Ken.

Pero panty tapos bra? Gago talaga!

First time ko yung narinig galing sa kanya.pero teka, pano naman kaya nya yun makukuha kung naka lock ang drawer ko?

ays!! Kainis! Di ko man lang yun naisip agad? Ayan nasayang pa ang 5 minutes kong extension sa pagtulog ng dahil lang dun sa lecheng blah blah.

Kinuha ko na yung towel at dumeretso sa banyo at naligo.

Bumaba na ako pagkatapos kong maayos ang sarili ko at ang mga gamit.

Nakita ko naman sya na nasa salas at nakasalpak yung headset.
Tiningnan nya lang ako pero umiwas din naman agad ako ng tingin.
Nakakahiya kasi sa kanya.

At ako pa talaga ang nahiya sa kanya ah!?

Pumwesto na ako at kumain. In fairness masarap ang luto nya ngayon.
Bacon and ham.

Tiningnan ko sya at saktong nagtama ang mga tingin namin na biglang ikinabog ng puso ko.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya para sa pagbasag ng awkward moment.

Girl Friend or GirlFriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon