Chapter 3 : Trying
Princess Point of View
The scene was already a month ago but it is still fresh in my mind. Pati ata sa mga kadepartment ko fresh pa rin kasi walang humpay ang tanung nila saakin kagaya ng
'Naging kayo?'
'Magkakilala kayo sa personal?'
'May something sainyo kay Sir nuh?'
'Chikahan mo naman kami sa mga nangyare sa buhay niyo ni Sir'
They always bugging me with those questions.. Only me! Ako lang ang tinatanung nila kasi nahihiya daw sila kay Sir pero saakin hindi sila nahihiya, unfair.
I inhale then exhale at inayos yung lalagyan ng popcorn. Hindi ko pala nasabi na nasa bahay kami ni Jericko and magmo-movie marathon kami. Starting over again daw yung papanuorin namin. Pumayag rin ako kasi kasama si Lorraine tas wala si Adrian dito at hindi ko rin napanuod yung movie at nacu-curious ako dahil excited silang lahat manuod
I was about to go out from the kitchen ng biglang pumasok si Adrian at biglang nataranta ang sistema ko. Bakit siya nandito? He's not supposed to be here
"Ah.. Sorry" paumanhin niya at tumango lang ako tapos hahakbang na sana ako ng bigla siyang nagtanung "pahingi ako?" Napatingin ako sa tininignan niya at yung popcorn pala ang tinutukoy niya kaya hinintay ko siyang makakuha ng bowl
"Kumusta?" Tanung niya sakin pero hindi ako sumagot. Instead, nilagyan ko siya ng popcorn sa bowl na nakuha niya at umalis na kaagad sa kitchen
Napahinga naman ako ng maluwag dahil sa nakalabas na ako at napansin ko ring madilim na pero makikita mo kung sino sino yung nasa harapan ng tv dahil may ilaw naman dun galing sa tv at sinimulan na pala nila yung movie
Umupo ako sa gilid ni Lorraine at inabot ko sakanila yung iba pang nilagyan ko ng popcorn then sinimulan ko nang manuod
Pero nadi-distract talaga ako kasi may biglang tumabi sa gilid ko and to my surprise si Adrian yun
"Sige lang sir. Ok lang"
"Salamat"
Umusog ako ng kunti kasi masyado kaming magkadikit at kumain ng popcorn. Habang nanunuod ako bigla niya akong tinawag kaya napatingin ako sakanya na may isusubo na popcorn sa bibig
"Pahingi ako. Ubos na yung akin" napatingin ako sa lalagyan niya at indeed, ubos na nga kaya nilagyan ko siya ulit, hindi kasi ako madamot
Nanuod ako ulit at mga ilang minutong lumipas bigla nanaman niya akong tinawag kaya nakasalubong na kilay akong tumingin sakanya
"Bakit ba? Nanunuod ako, kanina kapa" reklamo ko sakanya pero tinawanan lang niya ako at lalo akong nainis dun "masyado ka kasing seryoso manuod"
Napairap ako sakanya at nagsalita "isa pang tawag ng pangalan ko. Kakalbuhin kita" pagbabanta ko sakanya at nanuod ulit
Nung nasa part na kami na nagkita na sina Ginny at Marco bigla akong napahinto ng pagkain at nanikip ang dibdib ko
Ginny: Kung talagang mahal mo 'ko, dapat sinundan mo 'ko.
Marco: Kung talagang mahal mo 'ko, dapat 'di mo ako iniwan.
Napayuko ako ng kunti at binitiwan yung hawak hawak kong popcorn sabay punas ng mga luha ko. Huminga ako ng malalim at hindi nalang inisip yung scene nila na yun
Tumingala ako at nagulat ako dahil nakatitig saakin si Lorraine kaya napatanung akong bakit
"Umiyak kaba?" Tanung niya pabalik sakin pero ngumiti lang ako sakanya "hindi nuh. Hindi naman kaiyak-iyak yung scene" pagrarason ko pero nagpasalamat ako na hindi naman niya ako kinulit pa kaya nanuod nalang ako ulit at kumain ulit ng popcorn
BINABASA MO ANG
Her Side[On-Hold]
RomanceHer side , her story and her Journey A/N: Kindly Read The Dispossessed Woman para malaman kung sino yung characters ko diyan pero pwede ring hindi :) it's up to you kung babasahin mo. By the way, This is the STORY of PRINCESS