Chapter 3

76 12 3
                                    

Rain's PoV

one month na ang nakalipas simula nung hinatid ko si Aly sa bahay nila. One month palang ang nakalipas pero parang lalong napalapit ang loob ko sa kanya.

WAIT!? bakit ako nag kakaganito? diba ang mahal ko ay si Tiffany? si Tiffany nga ba o hindi ko lang matanggap ang katotohanan na si Aly ang mahal ko?

* FLASHBACK*

nasa playground kami Tristan dito sa subdivision nang ma open up ko sakanya ang pangayayari nung isang araw. Si Tristan lang kasi ang maayos mong makakausap sa kanilang tatlo nila Cj dahil siya ang pinakamatanda samin at mas close din kami. sinabi ko sa kany na nung una naguguluhan ako sa nararamdaman ko kasi nung una ang alam ko mahal ko si Tiffany dahil maganda siya, dahil nasa kanya na ang lahat at dahil kababata ko siya. Pero nung makilala ko si Aly nag bago ang lahat, hindi lang alam ni Aly na dati ko pa siya sinusundan, hindi ako makatulog kapag hindi ko nasisigurado na ligtas siyang nakakauwi. Nung nakita nakita ko siya sa playground nung isang araw gusto ko na agad siyang tulungan at ipagamot ang paa niya para hindi na lumala ang sakit na nararamdaman niya, pero hindi ko magawa, dahil nung time na niyaya ko si Tiffany na lumabas, sinabi ko na sa kanya ang totoo, na si Aly talaga ang mahal ko at hindi siya, pero sabi niya sakin sasabihin niya daw sa daddy niya na bawiin yung shares nila sa company namin, tsk sila pa naman ang isa sa may malalaking shares sa company kaya malaking kawalan yun kanila mommy at daddy. anak ng pororo naman kasi eh, bakit siya pa? bakit hindi nalang ako kay Tiffany na inlove para walang problema. tsk tsk

nako Rain, inlababo ka nga tol, pero hindi namin pansin yung pag sunod sunod mo kay Aly. Pano mo nagagwa yun? nag ninja moves ka ba? hahaha

tsk che akala ko matino kang kausap, letche ka *sabay bato ng bote na hawak ko kay Tristan*

hahahahaha good luck lover boy *smirk*

*End of Flashback*

nung araw na yun sigurado na ako na si Aly talaga ang mahal ko, pero bakit ngayon parang naguguluhan nanaman ako? ano bang nangyayari sakin? tsk akala ko talaga matutulungan ako ng ugok na yun eh, pero anak ng pororo lalo lang ata akong naconfuse sa nararamdaman ko.

End of PoV

Tiffany's PoV

tsk! akala ko malayo na magka gusto si Rain kay Aly. akala ko mas magugustuhan ako ni Rain kasi mas malapit siya sakin, kasi mas matagal na niya akong kilala, kasi alam niya na lahat ng kwento ko sa buhay, kasi alam niyang mahal ko siya, akala ko matututunan niya rin akong mahalin, Pero bakit ganon? bat mas nagustuhan pa niya si Aly kaysa sakin? well if that's the case, mapipilitan akong ilabas ang tunay kong ugali.

*FLASHBACK*

grade 4 palang kami ni Aly, lagi na niya akong nalalamangan, pero simula nung nag highschool kami at lumipat kami ng school nabaliktad na ang sitwasyon. Grade din 4 ako nung mamatay si mommy, malapit nang bumagsak ang business namin non dahil sobrang depressed si daddy, only child ako, kaya sobrang bata ko pa para mag handle ng negosyo naming napapabayaan na ni daddy. Until one day may tumawag kay daddy at nalaman ko nalang isang araw na mommy pala yun ni Aly. Tinulungan niyang makabangon ang business ni daddy. Until one day sinabi sakin ni daddy na mag papakasal na sila ng mommy ni Aly. Super nabigla ako nung nabalitaan ko yun, dahil best friend ko na si Aly nung time na yon, alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang mommy niya. Araw araw ko siyang nakikitang uumiiyak at sobrang apektado dahil nag hiwalay na ang mommy at daddy niya, sa simula nasasaktan ako pag nakikita siyang umiiyak at balisa dahil best friend ko siya, pero simula nung malamangan na niya ako I'm already mad at her. I'm full of anger, suppose to be dapat siya pa magalit sakin kasi She has no idea na daddy ko ang bagong asawa ng mommy niya, pero I don't mind that, tuloy parin ang plano ko na kuhanin ang dapat nasaakin, bakit ako nagagalit? Kasi sanay ako sa attensyon, pero kinuha niya sakin ang attensyon na yon, kaya ngayong may pag kakataon akong gumanti kukuhanin ko na ang lahat sa kanya, poor kid, tsk.

Grade 6 naman kami nung magka kilala kami ni Rain. The first time I saw him, I was amazed by his charm. bata palang kami gustong gusto ko na siya. Nung lumipat kami ng school nagsimula na ding maging business partners ang mga magulang namin. Lalo lang kaming naging close that time. Then nung nag 2nd year highschool na kami, nagsimula nang bumalik ang atensyon ng mga tao sakin. I learn to fix myself, to have some confidence. Lagi lang dapat naka chin up. Then si Rain at yung kanyang 3 kaibigan 1st year palang kami famous na sila. Sila ang campus heartthrob.

Si Aly? Ayun she loss her confidence hahaha she became a nerd. At until now she has no idea na nag hihiganti lang ako sa kanya. Bonus na rin siguro na napunta saakin ang mommy niya. Hulog na yun ng langit hahaha.

*End of flashback*

Kapag naaalala ko lahat ng nangyari nung bata palang kami naiiyak ako, feeling ko kawawa ako, I can still feel the pain nung nawala si mommy samin. Sa totoo lang until now hindi ko matanggap na wala na si mommy. Ewan ko lang kay daddy. Dati close na close kami nila daddy. Halos every Sunday sabay sabay kaming nag sisimba, pero nung nawala di mommy, we loose our closeness. Nakakapanghinayang lang. Pero mukha namang masaya si daddy sa bago niyang asawa eh. Kaya kahit papaano masaya na din ako, kung saan masaya si daddy dun din ako. Ganon ko kamahal si daddy.

*End of PoV*

--------

AN:

"Hello hello tell me what you want right now" hahaha TADA MAY UD NA AKO, sorry guys ngayon lang may exam kasi kami. Kshare.

Ang daming revelations diba. Mas Madami pa kayong matutuklasan sa mga next chapters. Enjoy mwah mwah

Nagmamahal: pororo haha

Ang Love Story Ni Top 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon