Akala mo OK ka lang!
Akala mo walang problema!
Akala mo masaya ka!
pero hindi...
Ano ba ang basehan ng pagiging OK?
Paano ba maging masaya? yun bang walang halong kaechosan??
Alam ko, hindi ako to.
Alam ko, hindi ko pa nailalabas yung tunay na ako.
Di nila alam kung sino ako, at kahit ako hindi ko na alam kung sino ba talaga ako?
Marami akong tanong sa sarili koat di ko makuha yung mga sagot na kailangan ko.
Sa buong buhay ko ginawa ko na ang lahat para mapansin ako.
Nagpakabait kahit hindi naman.
Napakagenius kahit walang alam.
Nagpakasaya kahit kabaligtaran naman ang nararamdaman.
In short, nilalamon na ko ng isang pagpapanggap
Nagtatago ako sa isang maskara na kabaligtaran ko.
Bakit ba ganun ang buhay?
Masyadong Unfair!
Hindi pantay-pantay!
I am not perfect!
Pero sinubukan kong maging perfect!
Ginawa ko yung best ko para maibuild-up lang ang sarili ko.
Pero sa tingin ko kahit anong gawin ko Kulang pa din. Wala pa din!
I'm still NOTHING!
May mapatunayan ka man o wala!
Isa ka pa ding TANGA!, WALANG ALAM! at WALANG KWENTA!
Nakatatak na yata sa akin yun ehh.
"Di mo ba alam kung gaano kasakit makarinig ng mga salitang yan lalo na kung naggaling sayo?..."
Hanggang kailang ako magtitimpi sa naririnig at maririnig ko pa?
Hanggang kailan ko dadalhin ang mga titulong iyan na pinaratang mo sa akin?
Hanggang kailan ko mapapatunayan na nagkakamali kayo?
Masakit para sa akin na manggaling sayo yan mismo!.
Matagal ng panahon ang lumipas, nagbago na ang taon, buwan at araw, pero bakit ang tingin mo sa akin ay ganun pa rin?
Tanong ko lang "wala ba talaga akong kwenta?
Gusto kong magrebelde.
Gusto kong magpakalayo-layo.
Gusto ko ng makalabas sa hawlang ginto at makipagsapalaran nang mahanap ko ang aking sarili.
Gusto kong ipadama sa kanya na mali sya!
Gusto kong alisin ang maskarang nakabalot sa akin.
Gusto kong maging malaya tulad na isang ibon na malayang nakakalipad sa himpapawid.
Pero nangingibaw sa akin ang Takot at Pagmamahal ko sayo!.
Takot na baka sa paghahanap ko sa aking sarili, mawalan na ko ng babalikan?
Takot! na baka mali ang desisyomg aking napili.
Takot! dahil masyado kitang mahal para gawin iyon.
Sa ganitong sitwasyon,
lalaban ka pa ba?? O susuko na lang??
"Im still Nothing compares to someone else..."
SIGNED BY: 1ñ2(&2_" --->>
#08