Chapter 1

75 4 0
                                    


"Nasaan ako?"


"Nasaan ka ba?"



"Sino ako?"


"Sino ka ba?"



"Bakit wala akong may naalala?"


"Mas mabuting wala kang may naalala."


'Yan ang mga katagang naririnig ko sa aking isipan, paulit-ulit na binubulong, walang tigil na pagtatanong kung sino nga ba talaga ako.

May mga puting ilaw na nakapaligid sa akin ngayon, at mga magagandang pulang rosas na nakahalay habang tinatahak ko ang daanan kung saan hindi ko alam ang lagusan palabas sa lugar na 'to. Basta na lamang kumukilos ang sarili kong mga paa na para bang may kung anong kumokontrol dito.

Maya maya ay isa-isang lumabas ang mga puting paru-paro, napakagandang tanawin kung pagmasdan. Tila ba nasa isa akong paraiso na minsan kong nakita sa telebisyon.

Hindi ko alam ang nangyayari sa aking paligid.

Maganda ang lugar na 'to ngunit ang puso ko ay balisa pa rin, dahil alam kong nag-iisa na lamang ako.

Hanggang sa umiba ang kulay ng paligid.

Biglang umihip ng malakas ang hangin.

Kinakabahan ako...

Laking gulat ko dahil biglang nalanta ang mga rosas na kanina animo'y sumasayaw. Unti-unti nagsibagsakan ang mga paru-paro sa lupa, at agad na naging kulay pula hanggang sa maging dugo na ito.

Napaupo ang sarili ko sa lupa dahil sa kaba at takot, ang kaninang paraiso ay pinalitan agad ng impyerno, isang lugar na puno ng poot at galit. Napahawak ako sa aking dibdib at pilit na pinapatahan ang puso kong kanina pa mabilis na tumitibok.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at mabilis na tumakbo, makalayo lamang sa impyernong 'to.

Bakit ganito?

Ano ba talaga ang nangyayari sa akin at sa lugar na 'to?

"Gusto ko nang makalabas dito!" Yan ang sigaw ng aking isipan.

May lagusan ba para makaalis sa impyernong 'to?

Unti-unti na akong kinakain ng kadiliman...

"Tulong!"

"Tulong!"

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang boses na 'yon ngunit alam kong tinig 'yon ng isang batang lalaki, humihingi ng saklolo at tila ba takot na takot tulad ko.

"Tulong" ulit ng bata, kaya napatigil ako sa aking pagtakbo at pinagmasdan ang paligid.

Nasa gubat na pala ako ngayon.

Madilim ito at walang kabuhay-buhay dahil lanta ang lahat ng puno na nakikita mo dito, wala ring buhay ang gubat na 'to dahil ni insekto ay wala akong nahagilap.

"Tulungan mo kami." Nabigla ako dahil nasa harapan ko na ang batang lalaki na hinahanap ko kanina pa.

Puti rin ang buhok nito, marami siyang gasgas sa mukha, at bakas sa rito ang pagkatakot. 

Mukha siyang galing sa digmaan...

"Wag kang mag-alala nandito na 'ko." Dahan dahan kong hinaplos ang mukha ng batang lalaki, dahil sa awa ay niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko alam ngunit labis na lungkot ang naramdaman ko nung nakita kong lumuluha siya. 

"Poprotektahan kita."  Walang malay na saad ko dito

"Tulungan mo kami prinsesa" Mahina na sabi nito na maya-maya ay lumakas na.

"Tulungan mo kami."


Prinsesa, sino?


Hindi ko siya naiintindihan, naguguluhan ako sa mga oras na ito...


"TULUNGAN MO KAMI!" Malakas na sigaw nito sa akin saka niya ako tinulak ng malakas.


Babagsak ako.


Babagsak ako sa BANGIN!



"AAAAAH!!"


-

This is an edited version. 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost White PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon