Patrick's POV.
Nagstart na ang game nila.
Umupo ako sa tabi ni Kevin.
Hindi umiimik. Parang ang lalim nang iniisip niya. Bakit parang kinakabahan siya?
"Bro, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ha? Ah Oo. Magpapahangin lang ako." Tumayo at lumabas siya.
May problema nga ang mokong.
Tiningnan ko yung score board. Lamang ang team namin. Sinundan ko na lang si Kevin.
"Kevin. Alam ko kung may problema ka. Spill it" Sabi ko.
"Ric. Natatakot ako. Natatakot akong matalo ni Andy sa harap nang team." Sabi niya.
Hala. Sure na ba siyang si Andy panalo?
"Bakit? Dahil ayaw mong mapahiya?"
"Partly, yes. Sino lamang sa game?"
"Team natin."
"After first half, hahataw na si Andy tapos mananalo siya."
"Siguradong sigurado ka ah."
"Oo. Dre, diba ikaw pa rin naman yung bestfriend ko? Pwede ko bang sabihin itong sikreto ko?"
"Aba oo naman. Para saan pa at naging bestfriend mo ako"
May problema nga.
"Si Andy ang..." He's doubting if he'll continue it or not.
"Si Andy ang? Siya ang ano? Ang mahal mo?" Joke ko.
"Haha! Sira. Mahal ko yun pero hindi as girlfriend or what. Para ko na yung kapatid eh. Si Andy ang nagturo sa akin magbasketball. And never kong natalo yan. Tingnan mo stats niya. Perfect lahat nang shooting stats niyan."
Kaya pala. Hmm.
"Ayos lang yan bro. Kaya mo yan. Tara balik na tayo sa loob." Anyaya ko sa kanya.
"Sige. Uhmm. Patrick, alam kong may gusto ka kay Andy. Matagal na. Haha. Pero wag ka mag-alala, di niya alam."
"Abnormal ka talaga Kev. Kilala mo talaga ako."
"Ako pa! Hahaha!"
May rumors dito sa campus na mag- on silang dalawa. Pero walang confirmation. Bahala ka sa kung anong gusto mong isipin. Ganun sila.
Nauna pala pumasok si Kevin sa akin.
Linapitan niya ako sabay sabing,
"See. Ang laki na ng lamang ni Andy. Fourth quarter na. Wag ka nalang pumasok. No use na rin yun."
Tapos na ang game. Score?
98-65. Panalo si Andy.
"Guys, listen. This is just a game. Wag niyong asarin o tawanan si Lance ha kapag natalo ko siya. After all, he's still your team captain." Sabi ni Andrea bago magstart ang game nila ni Kevin.
Noong first half, lamang si Kevin. Pero nahabol at nalamangan siya ni Andrea. Andrea won. So it's true na Kevin can't beat her.
"Guys, diba walang nakakatalo kay Lance kapag one on one? Except me of course. Alam niyo kung bakit?" Sabi ni Andy
"Hindi! Bakit?" Sagot nang team.
Kevin signalled Andy to continue.
"So as I was saying, I introduced Lance in the basketball world. I taught him how to play. Pero guys, wag niyong maliitin yan. Pag nalaman kong ginawa niyo yun, makaka one on one niyo ako. And the whole village as the audience. Deal?" Andrea said.
![](https://img.wattpad.com/cover/5605725-288-k248648.jpg)
BINABASA MO ANG
Eyes Opened
Teen Fiction"He said that all he wanted was to be my Prince Charming, my knight in shining armor. He wanted to protect me. He wanted to love me." SHE said. This story is the journey of a 'barkada'. A journey for love, friendship and life.