Kababata

1.5K 16 4
                                    

Pag-ibig na alay sa iyo, sana ay alagaan

Pagmamahal kong tunay, hiling ko sayo ay ingatan

Pansinin mo rin lamang, ako ay maliligayahan

Dadalhin ang tuwa higit pa sa magpakailanman


Matagal-tagal na panahon na pala ang lumipas

Magmula ng huli kitang makausap at mamalas

Musmos pa lamang tayo ng ikaw ay aking mahalin

Kahit na alam kong ikaw sa iba ay may pagtingin


Pakiramdam ko tumigil sa pag-inog ang mundo ko

Mula ng masilayan ko uli ang gwapong mukha mo

Ang tinig mo na magandang musika sa aking tenga

Ako ay hinihila para matulog ng payapa


Sa ating muling pagkikita at muling pagsasama

Ako ay talagang nagulat, nagitla at nabigla

Sinabi mong iyong sinisinta ay ako rin pala

Ako ay napaluha sa kaligayahang nadama


Kung dati pa man pinabatid mo at nalaman ko na

Hindi na sana tayo nawalay pa sa isa't isa

Maraming salamat, ako ay lubos mong pinasaya

Huwag kang mangamba, iniibig rin naman kita


Ang nagsilbi kong kalaro, kaibigan at kaaway

Ang siyang nagbigay sa akin minsan ng munting gabay

Ang tinangi at inibig ko higit sa aking buhay

Ay aking kababata na minamahal kong tunay.

KababataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon