Eto, binabantayan ko si Deej ngayon. Sobrang natakot ako kanina.
Sobra. Hindi ko alam, anong gagawin ko. Pano nako pag nawala siya. Hindi ko ata kaya? Siguro forever ako magsu-suffer pag nawala siya...
Ay, baka nagwo-wonder na kayo.
Kung ano talagang nangyari samin.
Samin ni Deej.
4th year ako nun. Sobrang galit ako kay Deej, nawala ako sa top students.
Running as Valedectorian ako.
Dahil sa trip nila ng mga kabarkada niya, sina Les, Seth, Kats at Jc.
Nawala lahat ng pinaghirapan ko sa para excel sa studies ko. Lagi nakong muntik nako ma-expel dahil sa mga kalokohan nila.
Hay, di lang once akong napahamak dahil kay Deej. Halos araw araw nalang. 50/50 ang buhay ko sakanya.
Puro sakit ng ulo at gulo dinadala.
Dahil lang sa mga immature na kalokohan niya at ng barkada niya.
Sobrang kinamumuhian ko si Deej nung panahong yun. Galit na galit ako sakanya.
Pero nagulat ako nung isang araw, pumunta siya sa bahay.
Nasa tapat siya ng bahay. Gabing-gabi. Basang-basa pa, dahil may bagyo nun.
Di ko inakala yun.
FLASHBACK
"Ria! Chandria!"
Anong ginagawa ng unggoy na to dito?!
"Oy Mrs.Padilla!!! Anong ginagawa mo dito?! Ha?! Umalis ka nga?!"
Sigaw ko mula sa pintuan namin, nasa labas siya ng gate basang-basa. Parang timang.
"Ano ba Ria! Kakausapin lang kita saglit. Saglit lang!!"
Aba, ilang inch kaya ang kapal ng balat nito sa mukha?
"Bat ako makikipagusap sayo! Ikaw nga ang dahilan bat muntik nako maalis sa university! Dahil din sayo nagkagulo-gulo ako sa school!!"
"R-ria...saglit lang, please may sasbihin lang ako....." Nanghihina niyang sigaw.
Tapos..
Tapos bigla nalang siyang nawalan ng malay?! Juice ko anong agawin ko?!
Napatakbo ko sa labas ng gate. Tinayo ko siya, hanggang madala ko siya sa loob ng bahay.
Basang-basa narin ako. Sobrang nagpapanic ako, kaya hiniga ko muna siya sa sofa.
"Khalil! Tulong please!"
"O Ate, anong nangyare? Hala? Anong nangyare diyan?"
Nagui-guilty tuloy ako!!! Dapat pala pinagbigyan ko na kanina tss.
"Ah-eh ewan ko. Eh kasin bigla nalang nahimatay. Huhu khalil anong gagawin ko?!"
"Kuha kang towel ate, tapos tshirt ko sa taas. Papalitan ko basng-basa siya eh"
Napa olymics akong takbo papunta sa kwarto. Kumuha kong tshirt tas towel.
Tapos kulang nalang magslide akong pababa sa hagdan.
"Oh khali, eto na"
"Ate, tatayo ka lang ba diyan?"
"Ha? Bakit?"
"Papalitan ko si Deej ng damit, gusto mo titigan?"
Ay kilala pala ni Khalil si Deej ko kasi bukod sa sobrang sikat ni Deej sa campus. No.1 sumbungan ko din kapatid ko. Dairy ko na ata si Khalil eh.
"Ah-o-oonga pala, sige kukuha din muna kong tubig."
Hala kinakabahan talaga ko bat kaya nahimatay yung mokong na yun? Ano banaman yan Ria. Kahit kailan puro stress talaga dulot sayo niyan ni Deej!
"Ate! Okay na napalitan ko na! Ay ate! Nagising narin siya" sigaw ni Khalil.
Yun napatakbo ko sa sala.
"Oh eto pala tubig, uminom ka muna" sabay abot ko kay Deej nung baso.
"Wag ka magalala walang lason yan" dagdag ko pa.
"Eh Love potion meron?" Tanong ni Deej.
"Hahaha maiwan ko muna kayo ate" sabi ni Khalil, aba loko kinikilig pa ata to.
"Aba anoka di kita type no" Bwisit ang feeler talaga.
Hala. Nanghihina siya. Ano ba to siguro sobrang sama ng pakiramdam niya.....hala.
"Uy uy! Deej okay ka lang ba talaga?!"
Inaalalayan ko siya para makaupo, hinanghina siya eh.
"O-oo okay lang"
"Gusto mong makakain or maiinom pa?" Alok ko.
"Hindi...okay lang salamat baboy."
Ay grabe!? Nangasar pa talaga.
"Ano?!-"
"Kalma, gusto ko lang magsorry. Sorry sa lahat. Yun sorry at pasensya talaga Ria. Nagsosorry ako dahil gusto ko maging okay na tayo."
Ano daw? Sorry?! Tama ba rinig ko?
"Hahahaha seryoso ka ba? Hahahahahahaha sorry?"
Di siya naasar sa tawa ko. Yun serious face padin. So seryoso nga siya.
"Teka seryoso ka? Tsaka bat ka nagsosorry?" Bawi ko.
"Wala sorry lang talaga. Sorry sa lahat. Nakausap ko narin si dean, pinakiusap ko na ibalik ka sa honors. Pagiisipan daw niya"
Tapos hinawakan niya kamay ko......
Hinahawakan niya kamay ko?!
"Sorry Ria, sa mga kalokohan namin ganun, akala ko mas mapapansin moko pag ganun and ang bobo ko di ko alam na sobra pala nag suffer ka haha sorry......."
Ano daw mapapansin?!
"Eh kasi....." Sabay hawak na patilya niya.
"Crush kita non!"
CRUSH?! *blush* erase erase ano ba yan ang corny?!
"Crush? Ang corny ang immature! Nasisiraan ka na ba?"
"Oy wag ka hong ano. Crush lang. Crush. Hindi pa ho love. Hahahaha" with matching smirk pa
"E-eh k-kahit na! Kadiri!"
"Aba, naginarte pa. Buti nga nagka-crush pako sayo. Ewan ko nga kung anong sumapi sakin"
Ewan kinilig ata ako or what. Gumaan loob ko kay Deej, feeling ko okay na ang lahat between samin.
END OF FLASHBACK
Yun, yun yung unang araw na naging close kami. Naging okay kami. And dun nagstart na maging friends......ni Deej.
∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
Yun! Mehehe! Bukas po ulit yung flashbacks. Kung pano niligawan ni Deej si Ria. :) Hahaha sorry po if fail ah! Peace tayo! :)
BINABASA MO ANG
{KathNiel} Loving You No Matter What
Fanfiction"Sabi ko pangingitiin at patatawanin ko siya, para maging masaya siya. Pero bakit ganun? Tuwing ngumingiti at tumatawa siya. Ako yung nahihirapan? I mean mas lalo akong nasasaktan..." -Ria