xMCB 11x

119K 1.5K 175
                                    

xxxxxxxxxxxxxx

Chapter 11:

August 22

Tuesday

Joanna Eliza's POV

"Dapat magmukhang elegante ang event."sabi ni Sofia.

Nandito kami sa venue na napili ng MC's President. Malaki ang gagampanan ng event.

Kasama namin ang mga MC's officers. Nagmimeeting tungkol sa mga kakailanganin na mga bagay-bagay para mabudget ang pera. Excuse kami kaya hindi na ako nag-aalala sa class ko. Hihingi na lang ako ng mga notes kay Nathan. Ay, hindi nga pala nagsusulat ng notes 'yun. Sa iba na lang ako hihingi.

Sa friday na ang event kaya dapat kaming magtulung-tulungan. Si Mich nandito din. Anak siya ni Mr. and Mrs. Morgan, remember? Kakailanganin namin ang tulong niya dahil alam niya kung ano ang magugustuhan ng magulang niya.

xx

"Nasan si Sofia?"pagtatanong ng President ng Campus. Bigla na lang kasing nawala si Sofia habang nag-uusap sila sa mga kakailanganin para sa venue.

"Jan samahan mo naman ako sa restroom."tumango ako at nagpaalam muna sa mga officers na magrerestroom lang kami.

Habang naglalakad at nag-uusap kami ni Mich, narinig namin na may nagsasalita. Sumisigaw pa nga eh.

"What are you talking about? Ako? Hindi na sikat? I'm the most famous girl in Campus! Kapag may kumuha ng posisyon ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko."napahinto kami sa paglalakad. Nagkatinginan kami ni Mich. Medyo inilapit namin sa pintuan ng restroom ang tenga namin para marinig ang pinag-uusapan sa loob.

"No girl! Tignan mo yung pages ng Morgan! They gave rank in every famous girls in our campus. Pangsecond ka lang! Kahit sa love teams. Second na lang kayo ni fafa Kiejan!" Pangsecond na lang siya? Akala ko pa naman siya na ang Princess ng Morgan pero hindi pala. Ang rank 1 kasi na pipiliin ng mga estudyante, siya ang hihirangin na Princess ng buong Morgan. Kapag kasi Princess ka sa campus ibig sabihin ikaw ang pinakamaganda, matalino, at masasabi mong ideal girl ng bawat kalalakihan. Ang arte no, may ganun pa. Nalaman ko lang kina Mich na may ganyan pala. Wala naman akong pakielam sa mga ganyan. Pumasok ako sa paaralan para matuto hindi para makipagkumpetensya sa mga pasikatan na 'yan.

Nung July, si Sofia ang Princess. Ang bilis naman ata nag-iba? August palang pangsecond na siya? Sino naman kaya ang pumalit sa kanya? At sino na din ang pumalit sa pagiging famous couple ng campus?

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon