xMCB 20x

109K 1.5K 183
                                    

Chapter Twenty:

Zachary's POV

1 hour and 17 minutes to be exact. Ganyan katagal si Nate sa banyo. Ba't ba nagtaka pa ko? Kapag may problema 'yan, napakatagal sa cr. Ano kayang ginagawa ng mokong? Hmmm.

*tok tok tok*

"Tol buhay ka pa ba?"tanong ko pagkatapos kong kumatok sa pintuan ng cr.

"Nate ano bang ginagawa mo diyan sa cr?"sabi ni Marco na tinitignan ang wall clock. Ang tagal na naming naghihintay dito sa labas ng cr.

"Oo nga. Nagtataka na kami sa'yo!"sabi ni Charles. Wala pa ring sumasagot mula sa loob ng cr.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Nate.

"Kanina pa kami naghihintay sa'yo. Ba't ba antagal mo sa cr?"sabi ni Luke.

"Sariling sikap siguro."sabi ni Ren.

Binato ni Nate yung towel na pinampupunas sa buhok niya kay Ren. Tinap ko ang balikat ni Ren. Kawawa naman eh. Napagbuntungan pa tuloy ni Nate.

"Pare wala kasing pakielaman. Yan tuloy bilis ng karma mo."sabi ko.

"Ano yung sariling sikap?"sabi ni Jin. Halata naman na hindi niya alam 'yun.

"Mamaya tuturuan ka namin. Hahaha!"sabi ni Marco. Ugok talaga 'to. Di na yun sariling sikap 'pag ganun.

"Oyyyyy! Saan niyo ko dadalhin? Ibaba niyo nga ako!"sigaw ni Nate. Binuhat kasi namin siya ni Marco at pilit nilalabas sa condo.

"Pare sumama ka na lang! Dami pang reklamo. Para kang babae. Baka naman bakla ka!"sabi ko habang inaalis ang kamay niyang nakakapit sa pintuan ng condo.

"Tae ka Zac! Paano magiging bakla 'yan e kita mo ngang problemado sa babae."sabi ni Luke. Sinamaan ko nga ng tingin. Tinakpan naman niya ang bibig niya. Napansin ko naman na hindi na nakakapit si Nate sa pinto. Nagmukmok na naman.

Sinenyasan ko si Marco at na-gets naman niya.

"Ah Sh*t!"pagmumura ni Nate. Binitawan kasi namin siya buti na lang napakapit siya sa may gilid ng pintuan kaya hindi siya nahulog ng tuluyan.

"Nasa katinuan ka na ba? Tara na!"tinulak tulak ko siya palabas.

"Saan ba tayo pupunta? I don't want to go to the bar right now." papasok sana ulit siya sa loob pero hinarangan siya nina Jin at Charles.

"Hindi tayo gigimik pre. Sumama ka na lang kung ayaw mong magmukmok na lang diyan habang buhay."sabi ko habang inaakbayan siya.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon