A single rose can be my garden... a single friend, my world.
~Leo Buscaglia
Kyle's POV:
June. Buwan ng pasukan dito sa Pilipinas. Nakapag enroll na ako kanina. Dun ako mag aaral sa school na pagmamay ari ng kaibigan ni Papa. Well, dapat di ako matatanggap dahil late enrollee ako pero dahil family friend.. Well, eto senior na ako.. section 2 dahil puno na ang section 1. Ilang araw na lang pasukan na pala. Mukhang kailangan ko nang bumili ng gagamitin ko..
Nakauwi na ako sa bahay! Nakita ko si mama na todo pustura.. mukhang may lakad siya.
"Saan punta mo ma?"
"Kay tita Shiloah mo.. 2 years na kaming di nagkikita nun eh"
"Tita Shiloah? Teka ma, kalian uwi mo?"
Kung nagtataka kayo kung bakit ganyan ang tanong ko.. Well si tita Shiloah ang mom ni Audrey.. At nasa Cavite sila .. Eh nandito kami sa Maynila noh!! Medyo mahabang byahe yun, eh knowing my mom, sure akong makikipag chikahan yan kay tita.. Aabutin ng ilang oras.. aba naman, 2 years silang di nagkita..
"itong batang ito.. nandito na sa Maynila sila Audrey no.. last month pa.. 15 mins drive lang mula dito sa bahay, well, di kasama ang traffic doon"
"Talaga? Kailan pa?"
"di nakikinig? Sabi nang last month pa eh.."
"Eh saan mag aaral si Audrey?"
"Akala ko ba nag enroll ka? Bakit di mo alam na schoolmates kayo? Oy!! Umayos ka.. Nag enroll k aba o pinang lakwatsa mo?"
"Ma naman, dati naman di mo ako pinaghihinalaan ah.. Nag enroll ako.. Promise!! Hindi ko lang nakita yung pangalan ni Audrey doon."
"Ahh.. sige.. halika na!"
"Po? Kasama ba ako?"
'oh no! Wag kang ganyan ma, ayoko pang Makita si Audrey!!'
"OO!! Bakit? Ayaw mo ba?"
"Eh ma.. sabihin mo may jetlag pa ako..!"
"At sinong niloloko mo? Isang linggong jetlag? Hindi!! Sasama ka.. "
"Ma.."
"Ano ka bang bata ka? Daig mo pa kinder na nagtatantrum ah.. Nandun naman si Audrey ah!"
"Yun nga yun ma eh-"
Naputol ko sinasabi ko dahil napatitig sa akin si mama.. Uh oh.. wala pa nga pala silang alam. Lahat sila clueless.. Well, maliban kay ate jas..
"Sige, next time na tayo pupunta"
"YUN!! The best ka talaga ma"
"oo, dahil sasabihin mo sa akin kung ano ba ang nangyari sa inyo ni Audrey.. Aba anak, mula nung pumunta tayo ng America anlaki ng ipinagbago mo ah.. hindi na nag iba kulay ng damit mo ah.. Kundi itim, gray... ano bang nangyari sa iyo? At simula noon, andami mo nading naging girlfriend.. Andrei nadin ang gusto mong itawag sa iyo. Nasaan na si Kyle?"
Akala ko pa naman ligtas na ako.. hindi din pala.. between the devil and the deep blue sea ang choices ko.. It's either makikita ko si Audrey o malalaman ng iba ang tunay na nangyari.. Wahh!! Ayokong mamili.. Pero kailangan!!
"sasama na"
Napangiti si mama.. panalo na naman siya.. Kahit kalian, di ko iyan naisahan.. parang laging may gameplan na inihanda..
Audrey's POV:
June,malapit na naman ang pasukan.. pero ako, ni hindi pa nakakabili ng kahit isang school supply.. Wew!! Ang bait ko.. Since wala naman akong magawa, bumili na kaya ako ngayon?
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend
RomanceAlam mo ung feeling na.. nagkalayo kayo ng bestfriend mo. Yung sweet and good boy mong bestfriend, pagbalik, INSTANT OPPOSITE na niya.. Ang masakit.. parang hindi ka na niya kilala. Then marerealize mo.. IKAW nga pala ang dahilan kung bakit siya nag...