PWMD#3: What Friends Are For

58 1 2
                                    

--Krys POV--

After asdfghjkl years. nakapagPOV narin. Haha. Charot.

Baka sinisirain na ako ng Bfumle ko sainyo tungkol saakin ah. Bigwasan ko yun eh. Haha. Charot uli.

Ayun lang. Bbye na. Joke.

Guwabii. Kani-kanina pa ako nakauwi galing school tapos dadatnan kong walang kuryente. Pinagpapawisan na ako sa sobrang lamig. Brrr.

Ay nako! Wala akong magawa!

Katamad ng magCandy Crush. Malowbat pa cellphone ko.

Ayoko naman nang kumain, bundat na ko kanina pa. Tsaka reserve para mamayang hapunan.

Ayoko namang matulog, mabibitin lang ako.

Haaaay buhay.

Ahh! Alam ko na. Tutal madilim dilim narin pwede na siguro yun.

Naghanap ako ng basket. Doon ko inilagay yung mini speaker ko tsaka yung ipod. Kumuha ako ng kumot pati maliit na unan..

Tsaka ako lumabas

Kinuha ko yung hagdan namin... Pinuwesto ko tsaka ako umakyat bitbit yung basket.

Pagkaakyat ko. Inilatag ko na yung kumot tapos pinatong yung unan. Inilagay ko yung speaker sa taas ng unan tsaka isinuksok sa ipod at nagpatugtog.

Buti malamig dito. Charot.

Nagtataka ba ako kung nasaan ako?

Syempre sa taas ng puno. Biro lang.. nasa bubong ako ng bahay namin. Haha. Ayos noh?!

Ito ang gawain ko nung bata. 

Ang umakyat sa bubong.

Madalas kasi ako yung pinakukuha ng shuttlecock kapag napupunta sa bubong.

Ang ganda naman ng langit. Peaceful. Walang problema. Chilaxx lang.

Naalala ko, noon lagi kaming magkasama ni Bfumle, lagi kaming paeasy easy lang...

Tanda ko pa kapag lunch, hindi kami kumakain noon. Ang ginagawa namin? Kumakanta.

Tuwing lunch, diretso kami sa court. Bandang baba ng stage.

Pupwesto kami sa isang edge ng court ng magkatalikod .. Bibilang ng 1... 2... 3... Tapos kakanta habang naglalakad ng medyo mabagal.

Isang kanta lang ang kinakanta namin nun. Yung kanta ni Sarah Geronimo na Dahil Minahal Mo Ako..

At sa kabilang dulong edge ng court dun kami magmimeet. By that time nasa kalagitnaan na kami ng kanta.. Kapag nagmeet kami dun chinecheck namin kung sabay ba kami. Hangga't hindi kami nagkakasabay, uulit kami ng uulit hanggang sa ma perfect namin yun.

Yan ang trip namin. Kahit muntanga kami.

Haaays.

"Kaya Tayo MagBestfriend eh"

Yan ang line namin noon. Kapag may nangyayari samin tapos pareho kami.

Kahit naman ngayon.. Pareho parin kami. Pareho kaming broken.. Dahil sa mahal namin.

Pareho kaming hindi mahal ng taong importante samin.

Syempre may pagkakaiba nga lang. Sobrang kabaliktaran.

Nagtataka ba kayo kung bakit sinasabi kong broken kami eh samantalang siya parang hindi naman?

Tss. Ito kasi yun.

Yep. Sila. Pero hindi sa mata ng karamihan. Ang alam nila.. MU lang sila. Sa part niya.. Masakit yun. Ang masakit pa, sila pero may nilalanding iba yung magaling na lalaki na yun.

Playing with Mr. D --on holdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon