Chapter 2.

59 3 1
                                    

Chapter 2.

“Hindi ba pwedeng e-mail na lang?” tanong ko sa kabilang linya ng cellphone ko. Bagong trabaho, kaso parang choosy amo namin ngayon.

“Hindi nga daw e. Puntahan mo na kasi, ayaw pakawalan ni Chief ‘yan. I-baby mo kung gusto mo, kahit ano basta makaabot ng deadline ‘yan. Tayong dalawa malalagot niyan, sige ka,” binaba ni katrabaho ang telepono niya matapos niya kong sagutin at utusan.

Wala naman akong ibang gagawin. Nakatengga lang ako sa bahay o di kaya nakatambay sa office kaya no choice, para sa kapakanan ng sweldo.

Kinabukasan, hiningi ko ulit ‘yung address ng pupuntahan ko. Apartment daw ‘yung pupuntahan ko at medyo nakakaligaw pero buti na lang ‘di naman ako nagkanda-ligaw-ligaw. Nakarating naman ako ng ligtas sa lugar. Apartment nga. Tingin-tingin din ng number sa mga pintuan. 305. Kumatok ako nang tatlong beses. Pinagbuksan ako ng isang babae. Kumukusot-kusot pa ng mata. Payat. Medyo magulo pa ang mahabang buhok tapos naka-pajama pa. Humikab siya ng isang beses saka tumingin sa ‘kin.

“Sino ka?” tanong niya sa ‘kin, parang irita ang boses kasi naistorbo ko siya sa pagtulog niya. 1:45 p.m. na kaya.

“Tumawag ako kahapon, sabi ko pupunta ako ngayon,” sagot ko sa kanya.

“A, oo nga pala. Nalimutan ko. Pasok ka.”

Pinapasok niya ‘ko sa apartment niya. Medyo malaki para sa isang tao. At makalat para sa isang babae.

“Sorry, medyo magulo.”

Anong medyo magulo? Magulo talaga kamo.

“Okay lang.” Hindi okay.

“Sige, upo ka lang diyan. Mag-aayos lang ako, ginising mo ‘ko e. Ano nga pangalan mo ulit?”

“Karl Jasper Manuel Enrique Mendoza.”

“Ha?”

“Jepoy na lang.”

“A, Lexie, Lex, Lexer, kahit ano itawag mo sa ‘kin. ‘Wag ka na lang mangangalikot ng kung ano diyan.”

Matapos nun, pumasok siya sa isang kwarto at iniwanan akong mag-isa. Ayoko talagang pakialamanan ang mga gamit niya, kaso ‘di ko talaga mapigilan ang sarili ko. Ewan ko ba, hindi ko matiis ‘yung mga bagay na nakakalat lang basta-basta. Wala naman siguro akong OCD, gusto ko lang maayos ang nasa paligid ko para hindi masakit sa mata.

Inayos ko paunti-unti ‘yung ilan niyang mga gamit na nakakalat sa sala. Mga magazine, dyaryo, ilang libro, mga papel saka mga balat ng chichirya at bote ng mineral water. Wala ba siyang sariling tubig at puro bote ng mineral water ang iniinuman niya? Tapos puro chichirya pa. Kaya siguro payat. Hindi ko naman masyadong inayos ‘tong bahay niya, baka makahalata. Tinanggal ko lang ‘yung ilang mga nakakalat na mga bagay. Mukha nga siyang nag-iisa dito sa apartment na ‘to. Walang bakas ng bata, ng ka-live-in, ng ilang kabarkada. Mahahalata mong mag-isa lang talaga siyang tumitira dito.

Umupo ako sa sofa niya na kaharap lang ang medyo malaking flat screen na t.v. Ayos. Mayaman siguro ‘to. Branded din kasi ‘yung ilan niyang mga gamit. Pang-mayaman na brand. Nagbukas ako ng isang magazine. Puro gupit-gupit ‘yung ilang pages. Sinilip ko ‘yung ilang mga magazine pati na mga dyaryo, puro gupit-gupit din. Ano naman kayang trip ng isang ‘to? Bakit lahat sila may mga kakaibang trip? Netong huli, ang ginagawa naman, nangongolekta ng iba’t ibang halaman pero hindi inaalagaan. Hinahayaan lang malanta tapos hindi naman tinatapon. Meron pang isa, walang ginagawa buong maghapon kundi tumitig nang tumitig sa alaga niyang parrot. Tapos nung nakaraan, ang ginagawa naman tuwing lalabas kami e kakaway tapos mag-he-hello sa kahit sinong madaanan namin. Sabi nila sa ganitong paraan daw mas nakakapag-isip nang malawak ang mga taong ‘to. Ewan ko ba, hindi naman ako ganito dati.

Matapos ang halos bente minuto na pag-aaliw ko sa sarili, lumabas si Lex mula sa kwarto na pinasukan niya kanina. Maayos na ang itsura. Bagong ligo tapos amoy ko pa ‘yung shampoo niya kahit ‘di pa siya nakakalapit sa ‘kin. Gumanda tuloy ‘yung tingin ko sa kanya, pero payat pa din. Lumapit siya tapos tumabi sa ‘kin.

“Ano na, Chief?” sabi niya sa ‘kin habang nagsusuklay.

“Chief ang tawag namin sa boss namin,” sagot ko sa kanya.

“Hindi kita boss.”

Mataray.

“Binasa ko ‘yung pinasa mo, nagustuhan ng boss namin. Kung gusto mo pa magpatuloy, may deadline ka ng dapat sundin.”

“Teka nga, ikaw na ba editor ko?”

“Parang ganun na nga, ako na kasi ‘yung pinadala nila e.”

Wala rin naman akong choice kaya ‘wag ka ng mapili.

“Hindi naman ako humiling ng editor,” pagpapatuloy niya.

“Trabaho kasi ‘to, saka wala naman talaga ‘kong magagawa kahit—“

“Oo, alam ko na ‘yan. O, binasa mo ‘yung gawa ko?”

“Oo. Ayos naman ‘yung istorya, wala akong masasabi kaso nga lang, sobrang dami ng grammatical errors saka hindi consistent ‘yung—“

“Teka nga lang ulit, sisimulan na agad natin’to?”

Aray, bistado na agad ako.

“Sa totoo lang, hindi naman talaga ganito ‘yung ginagawa ko. Nag-eedit lang ako ng mga gawa niyong mga writers sa harap ng computer. Wala talaga akong alam sa kung anong ginagawa ng mga totoong editors na kumakausap sa mga mismong writers.”

Mukha siyang naguluhan kasi napakunot ‘yung noo niya. Hindi naman na ako magugulat. Hindi available ‘yung mga editors naming kaya ako ‘yung prinisinta ng isa kong katrabaho kahit wala naman akong alam sa mga ganito. Sayang nga kasi ‘yung makukuha kong sweldo.

“E bakit hindi mo na lang ako sinendan ng e-mail?” tanong niya, nakakunot pa din ang noo.

“Utos sa ‘kin.”

Ilang segundo din kami tahimik. Inaabsorb pa yata ng kaluluwa niya ‘tong mga nasasagap niya. Pero ilang saglit lang, tumango na siya tapos siya naman ang nag-utos sa ‘kin.

“Go na Chief, pangaralan mo na ‘ko,” sabi niya.

Napangiti ako saka ko sinabi ang mga pangaral ko tungkol sa ginawa niyang obra.

---

Ugh. Chapter titles, wala akong maisip.

Bakit kasi ganito? [Stopped.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon