CF - 59

2.6K 69 3
                                    


--FIFTY-NINE—


Zoey's POV


Three years later.


"Thank you." Ngumiti siya sa'kin kahit na sobrang hinang-hina na siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.

"You've done a good fight."

"Because you're all there for me. Mom, Maisie, and you."

"We love you."

He nods, and smiles faintly.

"We tried everything, pero siguro hanggang dito nalang talaga."

"I'm sorry." Hindi ko magawang tumingin sa kanya.

"No. No, it's okay. Sa simula palang naman alam ko na."

"I did what I can, it's just that—"

"That you loved him. Still."

I close my eyes and will myself not to feel crestfallen all over again.

It's been three years simula nang iwan ko siya. Three years nang magkalayo kami. Three years nang magsimula akong araw-araw na magdasal sa Diyos na mahintay niya ako. And two and a half year na nang matigil ang lahat.

6 months. 6 months pa lang akong wala. 6 months pa lang kami nagkahiwalay...

Pero naka-move on na agad siya. Meron na ngang iba. Akala ko makakaya niya nga akong hintayin. Akala ko may mababalikan pa ako. Akala ko tutupad siya sa pangako niyang maghihintay siya. Akala ko may forever. Pero akala ko lang pala lahat yun. Dahil ang totoo, pagkatapos pala ng anim na buwan makakahanap na siya. Pagkatapos pala ng anim na buwan may iba na. Minsan talaga masakit umasa. Pero anong magagawa ko? Hindi naman ako pwedeng magalit sa kanya. Ako 'tong tangang nagsabi sa kanya na subukan pa rin niyang maghanap ng iba. Ako tong martyr na itinulak siya sa iba. Kaya wala akong karapatang magalit. Ni wala akong karapatang masakit. But that doesn't mean I don't.

"I'll understand if you wanna go back. After all, you two needed to talk."

"Non-sense. You need me here, I won't leave you." Sagot ko. Hindi ko alam kung sino sa aming dalawa ang kinukumbinsi ko.

"Zoey, you've heard what the doctors said. Magiging okay na ako. Medyo manghihina lang ako sa mga susunod na araw dahil unti-unti nang ititigil ang treatment. Pero anytime soon magiging okay na rin ako. Kahit kalian hindi mo ako pinabayaan sa loob ng tatlong taon. Kahit na busy ka sa pag-aaral may oras ka pa rin para sa'kin. Sinubukan na rin nating ibalik ang dati, kung may chance pa, pero sadyang pagma-may-ari ka na ng iba. Naiintindihan ko. Believe me, I understand. At maiintindihan ko rin kung uuwi ka na. You now have your degree, your license as one of the promising young engineers here. Pagaling na rin ako. So now, the only thing that you needed to do is to go back to your life you've left and talk to him. Mag-usap kayo. Kung wala na talagang chance, you're still welcome here."

"Levin, wala na talaga. Meron na siyang iba. Wala na akong babalikan pa."

"Napatunayan mo na ba na pinagpalit ka niya?"

"We lost contact. He's with someone."

"Napatunayan mo na ba?"

"I've tried to call him for a month, Levin, you know that. Pero hindi siya sumasagot. Ni hindi na siya tumawag o kahit nagtext man lang, kahit chat wala. What do you want me to think of? Hindi pa ba malinaw yun? Na tapos na kami. He's not good with goodbyes so he just cuts everything off."

Crestfallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon