Chapter 1

91 10 7
                                    


Reimalyn

"Say ahh."

"Ahh."

Sinubo ko ang gamot na nireseta ng doctor para sa pasyente ko.

Napangiti naman ang mama niya sa tabi namin dahil sinubo niya ito nang hindi iniluluwa. Pati ako ay hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil madalang na lang ang batang umiinom ng gamot dahil nga mapait ito. Kahit naman ako, ayoko na umiinom ng gamot kaya naman iniiwasan ko ang magkasakit. Buti sana kung matamis na gamot ang irereseta ng doktor.

I smiled. "Ang good girl talaga ni Anne. Here is your lollipop! Reward ko sa 'yo 'yan kasi hindi mo na pinag-aalala si Mama."

She accepted the lollipop and smiled at me. Nagpapa-cute pa talaga siya sa 'kin! Ang sarap pisilin ng pisngi. Kaunti na lang ay baka hindi ko na siya pauwiin sa kanila, iuuwi ko talaga siya sa 'min.

"Thank you, Nurse Reimalyn! Lagi na akong iinom ng gamot para hindi magalit si Mama. Hindi na rin ako magiging pasaway!" masiglang sambit niya sa 'kin.

I smiled back and patted her head. She waved her hands at me while we both bid our goodbyes. Nakakalungkot isipin na mahihiwalay na kami sa isa't isa. Pero mabuti naman iyon para sa kaniya.

Her name is Anne Mallari, four years young, and I am her nurse since she was admitted here in Martin's Hospital. Nagkaroon kasi siya ng dengue kaya naman todo alaga ang ginawa ko sa kaniya. Kahit na nga may nararamdaman siya na kakaiba ay hindi niya dinadaing dahil ayaw niyang mag-alala ang mga tao sa paligid niya.

Pero habang nandito siya sa hospital ay nakausap ko siya at may natuklasan ako. Lagi raw siyang walang kalaro sa school o sa bahay kaya naman sa huli ay siya lang ang naglalaro kasama ang mga dolls niya. Busy rin ang parents niya sa work kaya naman naiiwan siya sa kanilang kapit-bahay.

Naaawa nga ako sa kaniya dahil wala man lang siyang kahit na kapatid o yaya na pwedeng mag-alaga sa kaniya. Ang nangyari tuloy, walang nakapapansin na pinapapak na siya ng lamok habang naglalaro sa bakuran ng kapit-bahay nila.

Her mom promised me that she will hire a nanny for Anne so I am fine with it already! Naisip ko na magiging ayos na siya kaya naman kailangan ko na bumalik sa trabaho. Makakampante na rin ako sa lagay niya.

I smiled at every nurse na nakasasalubong ko. I walked with confidence dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na maging nurse ng isang bata. Para sa akin ay malaking achievement na iyon!

At dahil tapos na ang trabaho ko ngayong araw ay dumeretso ako sa canteen kung saan napagplanuhan naming magkita-kita.

Na-miss ko na agad ang mga kaibigan ko!

I can hear the tapping of my shoes on the floor as I walk. Napakatahimik kasi ngayon sa hallway kaya nakakapanibago lang din. Dahil na rin siguro sa takong ng sapatos ko kaya ito nakalilikha ng ingay.

Well, heels boost my confidence. Nakakatangkad din kaya!

When I reached the canteen, I saw Limea sitting on one of the tables looking bored, as usual! Kahit kailan talaga ay hindi ko nakitaan ang babaeng ito ng interes sa kahit anong bagay.

"Hey there, fella!" I shouted at her ears pero parang wala lang sa kaniya at nagpatuloy lang sa pag-inom ng kape habang nakatingin sa malayo.

I wonder why's that possible? Akala ko too much caffeine will give you heart attacks sa mga ganitong sitwasyon pero parang wala namang epekto sa kaniya. Nandito pa kaya ang diwa ng kaibigan ko sa mundo?

"Hey! Earth to Limea? Nandito ka pa ba o kasama mo na ang mga kaibigan mong alien sa ibang planeta? Hello!" I shouted again.

Winagayway ko pa ang kamay ko sa harap ng mata niya pero bored na bored niya lang akong tinapunan ng tingin. Nakakaloka!

Reimalyn Ponce De LeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon