Reimalyn
"Maleng! Ano ba ang nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Tine.
Kanina pa ako nakadukmo sa lamesa ng canteen. Hindi pa rin kasi ako maka-move on sa nabalitaan ko. Hindi ko kasi talaga matanggap!
Paano kung malupit 'yon? Paano kung nangangain siya ng lioness o kaya naman ay nanlalapa? Nagma-malfunction kasi ang utak ko sa mga ganitong sitwasyon.
Ang araw na pinakaayaw ko ay dumating na!
"Hindi ko alam... parang nawalan ako bigla ng energy," matamlay na sabi ko sa kanila.
Nagkatinginan lang silang lima at saka sabay-sabay na umiling. Alam ko na ang nasa isip nilang lahat. Nababaliw na ako! Oo, nababaliw na talaga ako! Ayoko na kasi ulit mapunta sa isang gurang na matanda na hukluban na walang ginawa kung hindi ang mag-utos.
"Room 304, kailangan ka ulit ng pasyente mo!" sabi ni nurse Jack na naka-assign sa attention board. Iyon ang tawag sa board na tumutunog kapag pinindot ng mga pasyente ang help button.
Napasapo na lang ako ng noo ko dahil paupo pa lang ako, tinatawag na naman ako. Nakakailan na sa 'kin 'to, ah?
Dali-dali akong nagtungo sa bwisit na Room 304 na iyon at tiningnan kung ano na naman ang kailangan niya. Napabuga ako ng hangin nang makita ko siyang kumakain ng biskuwit na ibinigay ko sa kaniya two hours ago.
"Ano po ang kailangan niyo?" Pilit akong humihinahon sa tono ng pananalita ko para naman hindi maging rude.
Ayoko naman na mawalan agad ng trabaho nang dahil lang sa matanda na ito. Kahit ano pa ang ugali niya, pasyente ko pa rin naman siya.
"Ang kati ng likod ko, kamutin mo," utos niya na parang wala lang.
Napairap ako sa loob-loob ko dahil may pangkamot naman ng likod sa gilid niya tapos uutusan pa ako. Wala, e! Kailangan ako kaya wala akong magagawa kung hindi ang gawin ito.
Sinimulan ko na ang pagkakamot ng likod niya. Turo siya nang turo kung ano at saan ang kakamutin kaya naman kamot lang ako nang kamot. Malapit na ang break namin pero mukhang wala siyang balak na tumigil sa kauutos. Baka hindi pa ako makakain nito.
Tumunog na ang bell hudyat na pwede na kaming kumain. Aalis na sana ako kaya lang pinigilan pa rin niya ako.
"Saan ka pupunta? Makati pa ang likod ko. Ituloy mo ang pagkamot!" sigaw niya sa 'kin.
Wala akong nagawa. Bumalik ako at kinamot ulit ang likod niya. Dahil sa galit ko ay napadiin ko yata ang pagkamot. Napadaing siya sa nangyari.
"Ano ang ginagawa mo, nurse Reimalyn! Bakit mo sinasaktan ang pasyente?" Biglang sumulpot si nurse Pat sa kuwarto na parang isang kabute.
Hala! Patay!
Sa dinami rami ng makakakita ay ito pang masungit na si nurse Pat. Patay talaga! Bigla naman tumayo si Mrs. Meyer, ang pasyente ko, at saka lumapit kay nurse Pat.

BINABASA MO ANG
Reimalyn Ponce De Leon
FantasiReimalyn Tenorio lives a normal life with normal people around her. She finds satisfaction in both her job and her passion, despite the challenges posed by her ability to shape-shift. However, one wonders if these aspects are enough to complete her...