"Uuwi ka ng pilipinas o magiging pulubi ka dito. Pumili ka anak" nakangising sabi ni Ronald Tan sa kanyang bunsong anak na si Ron Tan.
"Damn Dad! Please stop this shit! You can't do this to me!" naiiritang sagot ng binata. Nagpintig naman ang tenga ng ama dahil sa hindi magandang pagsagot nito sa kanya.
"You don't have any choice son. I just did." napasmirk na lang ang matanda dahilan upang lalong mainis ang anak nito.
"I hate you!" sigaw nito bago lumabas ng office ng ama.
"I love you too son!"
"Arghhhh!!" ngiting tagumpay naman ang ama habang naririnig ang maingay na sigaw ng anak paglabas nito.
*Philippines*
"Ano akala mo sakin? Tanga?! Alam kong sinadya mo yung pagtapon sa damit ko ng juice Amanda!" galit na sigaw ni Marisse habang pinupunasan ng tissue ang juice na tumapon sa kanyang uniform.
"Poor you girl. Paharang harang ka kasi sa daan. Stupid." akmang tatalikod na si Amanda ng biglang hilahin ni Marisse ang buhok nito.
"Bitawan moko!" nagkagulo naman ang mga kaibigan ng dalawa kung paano aawatin pareho.
"Marisse tama na. Lagot tayo nito kay President eh." awat ng kaibigan ni Marisse. Binitawan naman ni Marisse si Amanda ng madaanan nito ng tingin ang paghawi ng mga studyante ang pagdaan ni Denise Trinidad sa gitna, president ng student council.
"P-pres." parehong nauutal na sabi ng dalawa. Napatingin naman si Denise kay Marisse pababa sa basa nitong uniform. Sunod naman kay Amanda na gulong-gulo ang buhok.
"Ano ang kaganapan?" maotoridad na tanong ni Denise. Sabay na napalunok ng laway ang dalawa. Napalayo naman yung mga kaibigan ng dalawa sa kanila at iniwanan sa harap ni Denise.
"S-siya kasi hinila niya yung buhok ko!" naiiyak na sumbong ni Amanda. Hahakbang na sana si Marisse para muling sabunutan si Amanda ng biglang tinawag siya ni Denise sa mababa nitong boses. Napatingin naman ito sa kanya.
"N-nananahimik ako dito tapos tatapunan niya ko. Siya ang nauna." napapikit na lang si Denise. Alam niya sa loob niya na hindi talaga magkakasundo ang dalawang ito.
'Tatanda talaga ako agad sa dalawang itooo!' sa isip ni Denise. Pang ilang beses na ito nangyayari at hindi na niya alam ang kanyang gagawin sa dalawa.
"Okay. 3 pm at my office. Understand?" napatango ang dalawa ng seryoso silang tignan ni Denise. Pinalibutan ng tingin ni Denise ang lahat ng mga istudyanteng nakatingin sa kanila.
"The show is over. Mga wala ba kayong klase?" '1...2..." hindi pa natapos magbilang si Denise sa kanyang isip ay nagalisan na mga istudyante at pumunta sa mga klase nito.
'Hindi pa ako tapos mag bilang nagsialisan na. Ganda ko talaga' natatawang napailing na lang si Denise sa naisip niya.
Pagkatapos ng gulo sa canteen dumiretso agad si Denise sa Principal Office dahil pinatawag siya ng may-ari University na si Mr. Ronald Tan. Ang nagbigay sa kanya ng scholarship.
'Ano kaya ang ipapagawa sakin ni Mr. Tan? Sana naman hindi kasing hirap ng pagpapatino sa mga istudyante dito.' nagcross finger si Denise. Naalala niya ang puting buhok niyang nalagas dahil sa mga kabataan tinalo pa ang mga kriminal kung gumawa ng gulo. Hirap na hirap siya noong patinuin ang mga ito noon.
Nang makapasa bilang isang iskolar ay tuwang-tuwa siya dahil alam niyang malaking tulong iyon para hindi na niya iintindihin ang pambayad niya sa kanyang tuition. Malaking tulong din ang pagkapanalo niya bilang President ng Student Council. Malaki ang tiwala sa kanya ni Ronald Tan lalo na mapansin nitong napapasunod ni Denise ang mga pasaway na istudyante.
'Yes this is it pansit' pagbukas na pag bukas pa lang ni Denise ay alam na niya kung ano ang kanyang task ngayon. Napatingin siya sa kausap na lalaki ni Mr. Tan na sa pagkakaalam niya ay ang bunso nitong anak. Kilala niya ang buong Family Tan. Hindi bilang iskolar o Denise Trinidad kung di ibang tao.
"Oh Denise meet my son. Ron" lumapit si Denise ng hindi pinuputol ang tingin kay Ron. Ganun din si Ron.
'Ang ganda sana kaso manang naman' para kay Ron manang si Denise dahil sa ayos nito. Walang make-up at naka ponytail na pang teacher ang dating.
'Urghh ito ba papatinuin ko? Ang hirap naman. Baka imbis na siya ang tumino ako pa ang masiraan ng ulo!' alam ni Denise ang kalokohan ni Ron sa ibang bansa. Lagi kasi itong bukambibig ni Mr. Tan. Na kulang na lang ay ibenta nito ang kaluluwa para tumino ang anak. Buti na lang dumating si Denise, hulog daw siya ng langit.
"Baka matunaw kayo sa titigan niyo." napatingin bigla ang dalawa sa matanda.
"Dad don't tell me ganito ang mga itsura ng babae dito." sabay tingin taas baba kay Denise. Inirapan naman ng dalaga si Ron bilang sagot.
"Mr. Tan sa pagkakaalam ko po tao nagaaral dito. Bakit may asong kalye?" ismid na sabi ni Denise. Sinamaan naman siya ng tingin ni Ron.
"What do you mean manang?" tinaasan siya ng kilay ni Denise. 'Pikon' natawa si Ron dahil sa reaction ni Denise sa salitang manang.
"Hey. Stop." awat ng matanda. Nag irapan na lang ang dalawa.
"Denise, alam mo na kung ano ang dapat gawin" inabot ni Mr. Tan kay Denise ang isang folder. "Ron's schedule. Same schedule kayong dalawa. Tutal same course lang din kayo. I hope na magkasundo kayong dalawa. And also, ikaw na ang mag tour sa kanya Denise." ngumiti ng nakakaloko ito kay Ron. "Be a good boy Son."
"Never Dad. Im a bad boy here." sagot ng walang modong si Ron. Napabuntong hininga na lang ang matanda sa tugon ng anak.
"Okay sir. Hoy Panget tara na!" sabay higit kay Ron. Nabigla ito kaya nahigit siya palabas ng walang kapalag-palag.
"Hahahaha. Siguro magiging maganda at pogi ang magiging apo ko. Bagay talaga sila" lingid sa kaalaman ng dalawa. May isa pang binabalak ang matanda.
****
"Don't touch me manang!" bulyaw ni Ron nang tuluyan na siyang makabawi sa paghatak sa kanya ni Denise. Binitawan siya ni Denise.
'Hambalusin ko na kaya tong pangit na to?' Nagtitimpi na lang si Denise.
"Huwag na huwag mo akong tawaging manang" may halong pagbabanta na sabi ni Denise. Naiinis na talaga siya. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nalait ang kanyang itsura. Tuwang-tuwa naman si Ron dahil nakikitang niyang inis na inis sa kanya si Denise. Masaya siyang naiinis niya ito.
"Well Ms. Manang. Canteen muna tayo gutom na ako" nilagay ni Ron ang parehong kamay nito sa kanyang bulsa at pacool na sinundan si Denise na naka simangot papuntang canteen.
'Kaya mo yan Denise magcalm down muna. Isa lang siya. Makikita mo Ron, gagawin kong impyerno buhay mo dito buahahaha' tawang demonyong lumalakad si Denise papasok ng canteen at napansin iyon ni Ron.
'Kala mo manang. Papahirapan kita. Guguluhin ko itong eskwelahan mo este amin pala' alam ni Ron ang mga ginawa ni Denise dahil pinagmamalaki lagi ito ng ama sa kanya.
"Bilisan mo nga mag lakad. Ang laking tao ang bagal mag lakad." biglang binilisan naman ni Ron ang paglalakad. Nagiisip pa kasi siya kung paano niya guguluhin ang buong campus.
"Halimaw ka lang talaga manang" hindi naman ito narinig ni Denise dahil tulad ng isa dyan ay nagiisip na din siya ng kanyang evil plan.
Parehong may binabalak na masama ang dalawa sa isa't isa. Sino kaya ang mananalo? Si Denise? O si Ron? The President? Or The Enemy?
BINABASA MO ANG
The President's Number One Enemy
Teen FictionIsang babaeng nagpapanatili ng kapayapan sa Kristina Academy. Puno ito ng mga mayayaman na mag aaral. May mga scholar din o commoner kung tawagin. Mga basag ulo at palengkera ang mga nag aaral dito na di mo aakalain na anak mayaman dahil parang wala...