1-The start of my nightmare

34 3 0
                                    

Tricia's POV

"Tricia! Bilisan mo!..." Sigaw ng ate ko. Kanina pa siya sumisigaw at nagmamadali pati sila mama at papa. Para silang natutuliro...

Kakatapos pa lang ng birthday ko at 16 years old na ko...pagkatapos na pagkatapos naming magcelebrate na apat para sa birthday ko nagmadali agad sila sa pagaayos ng mga gamit. Iba yung pagmamadali nila eh, para silang natataranta. Na may gustong takasan. Pag tinatanong ko naman sila, di nila sinasagot ng maayos ang tanong ko.

Ngayon papalapit sa akin si mama na may hawak na kwintas na may gem na malaki na kulay red sa gitna. Ang ganda.

"Anak, isusuot mo 'to lagi ha? Proteksyon mo yan laban sa..."

"Sa ano po ma?"

"Wala. Basta, wag mong huhubarin yan kahit anong mangyari, maliwanag?"

"Opo"

"Tara na cheska! Mga anak! Sumakay na agad kayo sa sasakyan."

Bumaba na agad kami sa sala. Nasa taas kasi kami nila mama at ate. Pero ng papalabas na kami ng bahay, may mga lalaking nakatakip ang kalahati ng kanilang mukha tanging mata lang ang makikita sakanila.

"At saan kayo sa tingin niyo pupunta, Mr. Chard?"

"Umalis na kayo, ako ng bahala dito. Bilisan niyo, alis na!"

"At sa tingin niyo, patatakasin pa namin kayo? Ngayong nahanap na namin ang pinaka aabang abangan namin?"

"Paki-usap, umalis na kayo. Wag niyong idamay ang pamilya ko."

"Di niyo kami madadaan sa paki usap. Nararapat na sila ay mabuhay sa kung saan sila ay nararapat. kuhanin sila wag niyong hayaan na makatakas sila!."

Yun ang huli kong narinig bago kami tuluyang makalabas sa bahay.

"Mama, ano po ba yon?" Maiyak iyak na tanong ko.

"Sumakay kana, papaliwanag nalang namin sayo ni ate sa sasakyan okay?"
Pumasok na ako sa sasakyan at pinikit ang mga mata ko ng mariin pero nagintay ako ng ilang segundo, di parin sumasakay sila ate at mama.

Sumilip ako sa labas ng sasakyan, nakita ko sila ni ate, na nakikipaglaban sun sa kausap ni papa kanina pero ngayon marami na sila. At parang namumukhaan ko sila lalo na yung kausap ni papa kanina. Sinubukan kong pakinggan ang pinaguusapan nila..

"Ano bang kailangan niyo?"

"Alam kong alam mo kung anong sagot diyan sa tanong ko, Mrs. Chard."

"Pakiusap wag mo ng idamay ang mga anak ko."

"Hindi maaari, mrs. Chard. Dapat silang lumaki gaya ng pagpapalaki sa atin noon at dapat nilang matutunan ang mga natutunan natin noon."

"Pero ayokong maranasan yon ng mga anak ko!"

"Sa ayaw at sa gusto mo kukuhanin parin namin ang mga anak mo. Dahil di sila dito nabibilang."

"Bigayn niyo pa kami ng kaunting panahon, pakiusap."

"Sapat na ang labing anim na taon para makasama mo sila. At di ko na hahayaan na matalsan mo ulit kami gaya ng pagtakas mo noon kaya di namin nakuha ang panganay mong anak!."

"Di ako makakapayag!"

"Patayin siya!"

"Wag!!" Sigaw ni ate na hawak ng isang lalaki. Tumakbo siya papunta kay mama, pinipilit kong lumabas pero nakalock ang sasakyan.

Dalawang magkasunod na putok ang narinig ko. pinikit ko nalang ang mga mata ko at muling tiningnan ang parehong walang buhay na katawan nila mama at ate. Nakita ko ang ibang mga lalaki buhat buhat nila ang katawan ni papa at inilagay sa tabi ng katawan nila mama.

Nagiisa nalang ako, wala nakong kasama.

"Hi! Young lady!"

"Sino ka?"
Nagulat ako ng biglang may sumulpot sa tabi ko.

"Wag kang magmadali, makikilala mo rin ako.....
Pero sa ngayon pumunta ka muna sa lugar kung saan matututo ka at makakalimutan mo ang lahat at makapag uumpisa kang muli.....
.
.
.
WELCOME TO NERAMIGHT SCHOOL."

Mga huling salita na narinig ko galing sakanya.

///////////////////////////////////////////////////
A/N: Hello guys! Please support my story! Sana po magustuhan niyo^ェ^
Pavote and comment din po diyan guys. Thank you!

My NIGHTMARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon