2- Imagine

20 2 0
                                    

Tricia's POV

Ang laki naman ng school na'to, tapos ang tataas pa nung wall. Pero ang pinaka nagustuhan ko talaga ay yung uniform namin, ang ganda kasi eh. Makapasok na nga sa loob, mukha kasi akong tanaga na nakatayo sa labas eh.

Papasok na sana ako sa loob ng school pero bigla akong hinarang nung guard. "Bakit po?."

"Scan mo muna sa scanner yung kamay mo." Sabay turo niya sa scanner sa gilid ko. Hindi ko napansin agad yung scanner nung papasok ako pero nakadikit lang pala yun sa wall tapos pa square siya at doon sa gitna mo ilalagay yung kamay mo para ma scan.

Nilagay ko yung kamay ko tapos biglang may message na lumabas dun sa screen nung scanner 'access activated' then biglang bumukas yung gate na maliit. Pagkapasok na pagkapasok ko, di ko maiwasan na di mamangha sa mga nakikita ko. Sobrang lawak ng field, at pagsinabi kong sobra talagang sobra. Tapos dito talaga sa loob magandang tingnan yung wall na puro blocks at sa baba non ay puro mga bush ang flowers.

Sa both sides naman, meron mga trees, di ko alam pero parang may kakaiba dun sa part na yon. Kung anao man yon? Saka ko nalang siguro uusisain. Pumunta ako don sa may building, habang sinisilip ko yung mga room napapansin ko na ang konti lang ng mga estudyante at di rin marami ang rooms. Habang sumisilip ako sa mga rooms habang naglalakad dito sa hallway. Biglang tumunog yung bell. Hala! Diko pa alam yung room ko. Nag-aalala pako dahil di ko nahanap kung nasaan yung room ko ng biglang may humila sakin na lalaki.

"Uy bell na ah! Tara na!." Sabi niya saka ako hinila papunta sa room dun sa dulo ng hallway.

Pagkarating namin sa room hinila ko agad yung kamay ko. "Sandali! Di ko pa kasi nahahanap yung room ko. di ko alam kung dito ba yun." Nahihiyang saad ko.

"Dito yun, sigurado ako. Ayan oh. Palatandaan yan na kasama ka sa Special Neramight section." Tinuro niya yung logo sa damit ko sa bandang kaliwa sa itaas. Logo yun na pabilog at nakaukit doon ang salitang 'Special Neramight Section'.

"Kung titingnan mo kakaiba ang logo mo, ang logo natin kumpara sa iba." Tiningnan ko naman ang ibang mga napapadaan na estudyante at tama nga siya kaiba ang logo namin.

"Bakit? Ano bang kinaiba ng section natin?."

"Hindi ako sigurado pero sa pagkaka alam ko-....." Di na niya natuloy yung sasabihin niya dahil may biglang nagsalita.

"Uy! Ano ba? Papasok ba kayo o tatanga nalang kayo diyan?."

"Tara na? Baka papunta na si sir."

Pumasok na kami sa loob ng room at naupo dun sa pinakadulo. May nakalimutan pala kong itanong. "Wait lang. Ano nga palang name mo?."

"Jefferson. Ikaw?."

"Tricia."

"Goodmorning class." Dumating na pala si sir. "Ang gagawin niyo for today is to imagine yourself in the place and situation on the picture that will given to you. And you will write on a piece of paper, on what will you do when you are on that situation. is that clear?."

"Yes, sir."

"Okay, Irish pass this." Saka binigay ni sir yung mga papel dun kay Irish daw.

"Hi! Ano yung nakuha mo?." Biglang tanong sakin nitong lalaki na nasa kaliwa ko. Saka siya sumilip dun sa papel ko.

"Forest?." Tumango nalang ako bilang sagot sakanya.

"Okay, start on imagining guys. You are only have 20 minutes."

Tiningnan ko yung papel na hawak ko at nagsimula na ako sa pagiimagine na ako yung nasa picture.

The girl is lost in the middle of the forest.

*****
"Tricia, halika na~..." Isang boses ang kanyang naririnig na nage-echo sa buong gubat.

Takbo lang siya ng takbo hanggang sa napunta na siya sa gitna ng gubat. Di niya alam kung pano siya makakaalis. Hanggang sa may isang silhuette ng isang babae ang kanyang nakita. Nakahood ito at hanggang sa paanan ang haba nito.

Nag-angat ito ng ulo at matalim ang tingin ng babaeng iyon sa kanya, dahan dahan itong naglabas ng espada at tinutok ito sakanya.

Dahan dahan itong naglakad papunta sa kinaroroonan niya at sa isang iglap, nasa likuran na niya ang babae na iyon at nasa leeg na niya ang espadang hawak nito.

Ramdam na niya ang talim ng blade ng espada na unti unti nang dumadampi sakanyang balat.

"Isa....
Dalawa...
Tatlo..."

Bulong ng babae sa kaliwang tenga niya. Rinig na rinig niya ang malamig nitong boses na tila wala ng buhay.

"S-sino ka ba?" Takot na takot na sabi ni Tricia.

"Papatayin kita....."

"Si-sino ka ba talaga?!" Sigaw ni tricia habang sinusubukang kumawala sa babae pero hinawakan siya nito ng mahigpit.

"I'm......
Your......
NIGHTMARE!"

Kasabay non ang pagtalsik ng dugo sakanyang mukha.

"Ahhhhhhh!!"

***********

"Ahhhhhhh!"

"Tricia! Tricia! Gising!"

Biglang nagising si tricia at pawis na pawis ito.

"A-anong nangyari?" Hingal na hingal na tanong nito.

"Kami nga dapat ang magtanong sayo niyan ano bang nangyari sayo? Saka bago ka palang dito di'ba?"

"Ano bang name mo?"

"Ano bang nangyari sayo?"

Iba't iba pang tanong ang nakuha niya sa mga kaklase niya na nakapalibot sakanya. Di pa niya kilala kung sino ang mga ito at kung sino ang mga nagtatanong.

"Ano ba?! Di niyo ba nakikita, masama ang pakiramdam niya. Lumayo muna kayo." Sigaw ni Jefferson habang hinahawi ang mga nakapalibot kay tricia.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ng lalaki na kaninang nagtanong kay tricia kung ano ang nakuha niyang papel.

"Hin-Ewan ko."

"Ako nga pala si Kyle."

Sa halip na sagutin ay tinitigan nalang niya si kyle na nagsasabing masama ang pakiramdam niya. At kailangan na niyang magpahinga.

"Tara, hatid na kita. Akin na yung I.D mo para malaman ko kung saan yung dorm mo." Sabi ni kyle pero ng kukuhanin na niya ang gamit ni tricia ay biglang may pumigil sakanya.

"Pare, bakit mo kinukuha gamit ni tricia?."

"Ah, ihahatid ko na siya sa dorm niya. Masama na ang pakiramdam niya eh."

"Wag na pare. Ako ng bahala maghatid sakanya."

Naiwan na si kyle at umalis narin sila jefferson at tricia. Nang makarating sila sa dorm ay hindi parin niya iniwan si tricia.

"Si-sige na, umalis ka na. Salamat."

"Ayoko. Sasamahan kita, hanggang sa makapagpahinga ka. Wag kang mag-alala good boy 'to."

"Sa-salamat."

"Your'e welcome."

Hanggang sa unti unti nang pumikit ang mga mata ni tricia....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My NIGHTMARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon