October 04, 2013
[Jake's POV]
"Hey, guys!" Lahat naman ay napalingon sa tawag ni Haira. "Absent ngayon si Todd kasi naaksidente sya. Nabundol daw sya ng isang kotse habang nagbibisikleta pauwi."
Nagulat ang ibang kaklase nila, samantalang ang iba'y normal lamang ang reaksyon.
"Napakabasagulero kasi nya eh!" sigaw ni Margareth.
"Tama, bestfriend. Siguro plano ng kaaway nya," dugtong ni Sasha. Humalakhak sila ni Margareth ng malakas at may kasama pang apir.
"Sa tingin ko, baby," pagkalabit sakin ni April. "... light lang ang nangyari ngayon kay Todd... Kasi kung ako yung kaaway, pinasalvage ko na yun," sabi nya sakin.
"Wag na nga natin syang pag-usapan. Naaksidente na nga yung tao eh..." Tumingin na ulit ako sa harap. "At dba sabi ko sa'yo wag mo kong tatawaging 'baby'!" iritable kong sabi. Mukhang napalakas yata ang sinabi ko at nakapako na sakin ang tingin ng lahat ng kaklase namin.
Bigla namang yumuko si April na parang iiyak.
"Oo na... Tawagin mo na kong 'baby'... Tch naman kasi eh..." Napabuntong hininga na lamang ako. Kung di lang ako pinagmukhang masama nito eh...
"Talaga?!" Biglang paglaki ng mata nya. "Wala ng bawian yan, ah?"
"Oo na..." Yan na lang ang tangi kong nasabi, at napansin ko na lang na abot-tenga ang ngiti ng mga kaklase namin. Pinapanood pala kami ng mga to!
"Oh yan na... Haha! May bago na tayong loveteam! JaPril!" sabay palakpak nya at isang mapang-asar na halakhak.
Tawanan din naman ang mga kaklase namin... At syempre, todo ngiti naman si April at namumula pa sya! Napatingin naman ako kay Kristine, at nakatingin rin sya sakin. Ngunit hindi sya nakangiti. Pokerface lang syang nakatingin sakin. Bigla naman nyang binawi ang titig nya nang mapansin nyang nakatingin rin ako sa kanya.
"Ade ayon na nga, guys." May kinuha si Sica na mga makukulay na papel sa loob ng bag nya at iniabot ito kay Haira.
"Itong mga papel na ito, may kinalaman to kay Todd..." Bakas sa mga mukha naming lahat ang pagtataka sa sinabi nya. "Kasi... gusto pala tayong lahat maging kaibigan ni Todd."
"Are you kidding us?" tanong ni Sasha na may tonong mataray.
"That basag-ulo hoodlum?" Dugtong pa ni Margareth.
Tumuloy lang sa pagsasalita si Haira na parang walang narinig. " Kapag raw naitago natin ang papel na ito sa loob ng tatlong taon, may ibibigay raw sya sa ating regalo."
"Tatlong taon... That means, the year when we're going to graduate, right?" tanong ni Danica.
"Exactly. At may mga dates ito na dapat dala ninyo ang papel na ito sa date na nakasulat sa papel."
"Too much hassle," mataray na sabi ni Margareth.
"Hassle-hassle ka dyan. Nakikipagkaibigan lang naman si Todd satin eh," bira ni Cielo.
"Ang sabihin mo, gusto mo lang makuha yung regalo!" bara ni Sasha.
"Nako, Sasha. Stop fighting with them. Mga poor kasi yung ibang tao eh. Can't afford nila yung ibang mga bagay, kaya umaasa sila sa gift-gift na yan. Hahaha!" parinig ni Margareth.
Susugod na dapat si Cielo sa kanya pero napigilan ni Danica.
"Oh, ano? Lalaban ka na?" mataray na tanong ni Margareth.
BINABASA MO ANG
The Graduation Gift
Mystery / Thriller20 students ang biglang makakatanggap ng isang coupon na galing sa isa sa kanila. Nguni't ang hindi nila alam ay maaaring kamatayan rin ang kanilang mga regalo.